nijuu-go.

5.2K 75 0
                                    



Hara's Point of view




"Inumin mo mamaya tong mga vitamins na nireseta ng doctor sa'yo ha. Wag ng matigas ang ulo, Hara. Isipin mo yang bata"



Kagagaling lang namin sa OB gyne. Binigyan lang ako ng vitamins para maging malusog si baby sa tiyan ko.



Napahawak ako sa tiyan ko at hinimas ito. "Sorry baby ha? Pati ikaw nadadamay sa problema ni mommy. Yaan mo hindi ko na uli gagawin yung mga ginagawa ko dati. I love you"



Tama si mama. Kailangan kong isipin ang anak ko. Wala siyang kasalanan. Kailangan kong alagaan ang sarili ko para sa kanya.



Buong maghapon lang ako dito sa kwarto, nanonood, kumakain ng pakwan habang sinasawsaw sa gatas.



Kamusta na kaya siya? Siguro masaya na sila ni Angie. Paano kaya kung nalaman niyang buntis ako nung araw na yon? Mas pipiliin niya kaya ako?



Kaso... Siguradong wala naman nang pakielam sa'kin yung lalaking yon. Oo tanggap ko na. Ganon talaga ata ang buhay. Pero syempre andon pa rin yung sakit. Sariwa pa rin kumbaga sa sinasabi nila.



Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may nag doorbell. Eto na siguro yung sinasabi ni mama na pina-deliver niyang pizza. Dahil mukhang naliligo si mama, ako na ang tumayo at nag bukas.



Bigla na lamang akong natulala ng makita kong hindi eto yung delivery boy na hinihintay namin. Nagkatitigan lang kami at parehong natahimik.



"Aivan...."



"Can we talk? Please"



"Para saan pa? May hindi ka pa ba nasasabi sa'kin?"



"Please, let me explain. I'll explain everything" Pag mamakaawa niya sa'kin



Para saan pa at magpapaliwanag siya? Okay naman na ang lahat diba? Mas lalo lang bumabalik yung sakit pag nakikita ko siya.

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon