Tristan Aivan's Point of view
Pagkapasok ko pa lang ng bahay ay may sumalubong na agad sa'kin, "Okaeri nasai, Daddy!"
Umupo ako para makapantay siya. Hinalikan naman niya ako sa pisngi. Binuhat ko siya kahit medyo lumalaki na ang baby princess namin.
"Tadaima. Asan ang Mommy mo?"
"Heya de iru" (Heya ni iru = Andon sa kwarto)
"Ah. Sige, Baby. Matulog ka na. Mo juu-ji dayou. Ashita gakkou aru deshou?" (Mo juu-ji dayou = 10 PM na oh / Ashita gakkou aru deshou? = May school ka pa bukas, diba?)
"Hai~ Wakarimashita. Oyasumi nasai, Daddy!" Hinalikan niya ako muli at bumaba na sa'kin. Tumakbo naman siya papasok ng kwarto niya kaya naglakad na ako papasok ng kwarto. (Wakarimashita = I got it)
Nararamdaman kong nagtatampo 'tong asawa ko. Na-late kasi ako ng uwi dahil marami akong tinapos na gawain sa trabaho. Hindi ko rin nasasagot yung tawag ni Hara tapos na-dead batt pa ang phone ko. Pero sana naman hindi 'to galit sa'kin.
Dahan-dahan akong pumasok at nakita kong nakatingin lang siya sa t.v. Ni hindi man lang niya pinansin ang pagpasok ko. Nilagay ko yung gamit ko sa desk at lumapit sa kanya.
"Tadaima, Mommy"
Ngunit wala akong natanggap na sagot sa kanya. Hindi rin siya tumingin sa'kin. Mukhang galit nga siya. Huminga ako ng malalim bago tumayo at nagpunta sa banyo para makaligo.
Nang matapos ako ay nakita kong nanonood pa rin siya kaya lumapit ako at tumabi sa kanya, "Mommy"
But still, wala pa rin siyang sagot sa'kin. "Mommy, galit ka ba? Sorry na. Busy lang sa work kanina"
"Pwes, busy rin ako ngayon. Wag kang istorbo" Irita niyang sabi sa'kin
"Baby, I'm sorry. Wag ka nang magalit oh"
Tumingin siya sa'kin pero isang malamig na tingin, "Bakit hindi ka man lang nagpaalam? Hinintay kita oh. Sabi mo sasabay ka sa'ming mag dinner. Nagluto pa nga ako ng paborito mo tapos ganito? Wow! Sana tinext mo man lang ako o kahit saglit na tawag para malaman kong busy ka sa p*nyetang trabaho mo! Pero wala diba? Hindi mo nga sinasagot mga tawag ko! Gaano kahirap mag text o tumawag at hindi mo man lang nagawa? Ha?!"
"Hindi ko naman sinasadyang matambak lahat ng yon e. Na-dead batt rin ako kanina. Sorry na. Please."
"No! Don ka matulog sa sala ngayon. Ayokong makita pagm-mukha mo dito. Umalis ka sa harapan ko!"
"Baby naman. Wag naman ganon. Please, I'm sorry. Babawi ako. Kung gusto mo mag-absent pa 'ko bukas para lang makabawi sa'yo"
Tumawa siya ng mapait bago ako tingnan ng matalim, "No need. I don't need your time. Just get out!"
"Mommy naman. Pagod na nga ako oh tapos papaalisin mo pa ako dito sa kwarto. Sorry na."
"Wala akong paki! Pagod rin ako sa kakahintay sa'yo! Layas!"
"Mommy..."
"I said no! Umalis ka dito. I don't care kung pagod ka o ano. Alis! Pag hindi ka umalis, ako ang matutulog sa sala. Makita mo!"
Napabugtong ako ng hininga at kahit labag sa kalooban ko ang umalis dito ay pinagbigyan ko na lamang siya. Ayoko nang lumaki pa yung away dahil sa pagod na rin ako at ayokong matulog siya sa sala. Di bale nang ako ang mahirapan sa tulog kesa siya.
Lumabas ako ng kwarto at humiga sa sala. Ang sakit ng katawan ko dahil sa sunod-sunod na trabaho. Wala na akong halos na pahinga. Tapos eto pang galit ni Hara sa'kin.
Pinipilit kong matulog pero ayaw ng katawan ko. Hindi ako makatulog hangga't hindi namin naaayos 'tong problema namin.
Hindi ko rin kasi magets si Hara ni'tong mga nakaraang araw. Lagi na lang ang init ng ulo niya tapos madalas niyang mailabas sa'kin yon. Sa totoo nga lang, pansin kong sa'kin lang siya naiinis o nagagalit. Kahit minsan wala akong ginagawa, bigla na lang niya akong hihiyawan at paaalisin sa kwarto. Napipigilan ko pa siya noon at nalalambing agad.
Pero ngayon, iba. Masyado siyang sumungit at mas lalo pa siyang nagalit sa'kin. Kung sa bagay, hindi ko kasi natupad ang promise ko sa kanya. Hindi ko rin kasi namalayan yung oras kung kaya't ginabi ako ng uwi.
Nakapikit pa rin ako ng marinig kong bumukas yung pinto ng kwarto. Narinig ko ang yabag ng mga paa niya palapit sa'kin pero hindi ko pa rin dinidilat yung mga mata ko.
"Aivan...." Huminto siya saglit pero nagsalita rin naman agad, "Gising ka pa ba?"
Dumilat ako at tumingin sa kanya, "Bakit?" Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo paharap sa kanya.
Nakatingin lamang siya sa'kin at hindi nagsasalita kaya binasag ko na yung katahimikang bumabalot sa'min, "Matulog ka na don. Anong oras na rin" Hihiga na sana ako ng marinig ko uli siyang magsalita, "Sorry"
Tiningnan ko siya at nakita kong nakayuko lang siya, "Sorry kung masyado akong nagalit sa'yo. Hindi ko naman sadya. Masyado lang akong nagiging moody ngayon kasi...."
Hinintay ko yung kadugtong ng sasabihin niya pero mukhang wala na siyang balak sabihin kaya sumagot na ako, "It's okay. Wala na sa'kin yon. Matulog ka na"
"Sorry talaga. Sorry kung nakakadagdag pa ko sa mga problema mo. Imbis na tulungan kita para mapalakas ka, dinadagdagan ko lang lalo."
Umiling ako sa kanya bago ngumiti, "Ayos na talaga, Hara. Wag mo ng isipin yon. Matulog na, anong oras na oh"
"Sorry talaga, ha? Masyado lang talaga akong nagiging moody. Sabi ng doctor sa'kin, normal na lang naman daw to sa mga nagbubuntis na kagaya ko e."
Bigla akong natahimik at tumingin sa kanya habang nanlalaki ang mga mata ko. Inangat niya ang mukha niya at tumingin sa'kin, "Anong ibig mong sabihin?"
Ngumiti siya sa'kin bago sumagot, "Magiging daddy ka na uli. I'm three weeks pregnant, Aivan."
Nabigla ako sa sinagot niya. Hindi ko inaasahan to. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabila niyang balikat, "Totoo ba to, Hara? Hindi ka ba nagbibiro? Ha? Ha? Sh*t!"
Tumawa siya ng mahina at tumango, "Totoo nga. Kahit basahin mo pa yung resulta ko"
Bigla ko na lamang siyang binuhat at nagpaikot-ikot, "Yes!! Magiging daddy na uli ako! Woooh!"
Hininto ko rin naman agad at tiningnan ko siya sa mata, "Thank you, Hara. Thank you" Hinalikan ko siya sa noo at niyakap ng mahigpit.
"Ako dapat ang nagsasabi niyan. Thank you at tinitiis mo pa rin ako. Sana di ka magsawa lalo na ngayong magbubuntis na naman ako, nagiging moody uli ako. Sorry"
"Sshhh. Wala yon. Handa akong gawin lahat. Aalagaan uli kita. Sabihin mo lang pag may gusto ka, okay? Bibilin ko agad yon"
"Uhhh. Actually, may gusto ako ngayon." Kumalas naman ako sa yakap at tiningnan siya, "What is it?"
Namula naman siya agad bago magsalita, "Tabi ka na uli sa'kin. Hindi kasi ako makatulog ng wala ka sa tabi ko" Mahina niyang sabi. Napatawa naman ako ng mahina.
"Tara na sa kwarto, mommy. Bawal kang magpuyat." Binuhat ko siya agad at naglakad papuntang kwarto.
"Aivan! Ibaba mo ko, baka mahulog ako"
"Hahaha! Hindi ka mahuhulog, okay? Trust me."
Tumahimik naman siya kaya nag-lakad na muli ako. Pagkapasok sa kwarto ay inihiga ko siya at humiga ako sa kanya habang nakaibabaw ang kalahati ng katawan ko sa kanya at naka-tungkod ang braso ko.
"Thank you, Hara. I love you so much. Always remember that." At hinalikan ko siya pagkasabi ko ng mga salitang iyon.

BINABASA MO ANG
My Remunerated Bride
Romantizm[COMPLETED/EDITING] "Papayag lang ako sa kasal na'to para sa pamilya ko. Pagkatapos ng isang taon, mapuputol rin ang lahat. At magsisimula muli ako sa dati na parang hindi kinasal. Hanggang dito lang, hindi na sosobra pa." - Hara -- Cover by: emposs...