Juu.

4.2K 80 3
                                    




Isang linggo na ang makalipas mula ng mangyari yon at masasabi kong nagkaroon ng pader sa pagitan naming dalawa.




Walang pansinan na nagaganap dito sa loob ng bahay namin. Maaga akong umaalis sa bahay at pag-uuwi ako sa gabi ay sa kwarto na agad ang tuloy ko.




Ilang beses na niyang tina-try na lumapit sa'kin pero agad akong umiiwas para hindi kami magkausap pa. Ayoko na munang kausapin siya, hanggang ngayon ay nabi-bwisit pa rin ako.




Hindi nyo naman ako masisisi kung mataas ang pride ko. Babae rin ako, maselan sa mga salitang binibitiwan samin. Madali naming damdamin yung mga ganong bagay.





Linggo ngayon at wala akong trabaho kaya andito lang ako sa kwarto ko habang nanonood ng movie sa laptop ko. Nagugutom na ako. Kainis naman. Makalabas na nga para makakuha ng makakain saglit.




Lumabas ako at nagpunta sa kusina, mukhang nasa kwarto siya. Walang tao sa sala eh. Nagluto na lang ako ng kakainin ko. Nang matapos na ako ay dinala ko na to sa kwarto ko.




Dito na lang ako kumain habang nanonood. Maya-maya ay natapos na ako kaya dinala ko na sa lababo ang pinagkainan ko at hinugasan ito.




Mukhang hindi pa rin siya nalabas o hindi ko lang naririnig? Aish. Never mind!




Pabalik na sana ako sa kwarto ko ng makita ko siyang nakatayo sa harap ko. Speaking of... Nahinto pa 'ko saglit at napahinga ng malalim bago ako maglakad uli.





Lalagpasan ko na sana siya ng hawakan nya ako sa braso, "Hara... Mag-usap naman tayo, please"



Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng malamig na titig, "Para saan pa?" Cold kong tanong sa kanya



"Sa nangyari last week..." Huminga siya ng malalim bago pinagpatuloy yung sasabihin niya, "I'm sorry. Hindi ko sadya lahat ng yon. Nadala lang siguro ako ng galit ko pero totoong hindi ko sadya lahat ng mga sinabi ko tungkol sayo. Please, patawarin mo na ako. Mas gugustuhin ko na lagi mo akong pagalitan kesa sa ganyan ka"



Nakatitig lang ako sa mata nya at kita ko sa itsura niya na nagsasabi talaga siya ng totoo. Napabugtong ako ng hininga, "Alam mo bang ang sakit ng mga sinabi mong yon? Daig pa nang stress na nararamdaman ko yung mga sinabi mo. Ang dami ko na ngang problema tas dadagdag pa yong sinabi mo sakin. Sh*t lang. Sana kasi nag-iingat ka sa mga salitang binibitiwan mo." Sagot ko sa kanya sabay bawi ng braso ko



"H-huy wag ka namang umiyak. I'm really sorry. Please. Gagawin ko lahat para lang makabawi sayo" Napahawak ako sa pisngi ko at naramdamang basa ito. Naiyak na naman pala ako. Ha ha! Sht!



"Tigilan mo na 'ko, Tristan. Ilang buwan na lang naman at makakakuha kana ng permanent visa. Hindi ko na paaabutin ng isang taon tong kontrata para makalaya kana sa MUKHANG PERA na ito. Yun naman ang gusto mo diba? Edi pagbibigyan kita. Madali naman akong kausap e" Cold at may diin kong sabi sa kanya habang humihikbi ng mahina




Binawi ko ang braso ko at naglakad na pabalik sa kwarto ko pero nahinto ako ng may yumakap mula sa likod ko. "T-tristan. A-Ano ba. Bumitaw ka nga" Tinatanggal ko ang kamay nya pero mas lalo lang niyang hinigpitan 'to at binaon nya sa leeg ko ang mukha nya



"Sorry, please... Ayoko ng ganito tayo. Please Hara.." Mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko



Napahinga ako ng malalim at humarap sa kanya. Nakayakap pa rin siya sa bewang ko habang nakatingin sa'kin. "Fine. Sa susunod lang na maulit yon, kalimutan mo ng may Hara Izumi kang nakilala" Ang babaw ko ba? Ewan ko. Parang kahinaan ko ang pagmamakaawa nya. Bigla na lang nawala yung galit na nararamdaman ko sa kanya. Ugh!



Nagulat na lang ako ng bigla nya akong niyakap, "Yes! Thank you Hara! Promise. Hindi na mauulit. Basta wag mong gagawin yung hindi pagtapos ng isang taon. Please" At binaon niya muli ang ulo niya sa leeg ko




T-tama ba ang rinig ko? Gusto niyang tapusin ko ang kontrata? B-bakit? May meaning ba yung mga sinabi niya na yon o naga-assume lang ako? Ugh! Ginugulo mo ang isip ko, Tristan Aivan Medina!


My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon