Juu-san.

4.1K 82 0
                                    







"Bulagaaaa!"




"Ay kabayong bundat!" Tumawa siya kaya tiningnan ko siya ng masama.



"Bakit kaba nang-gugulat?!"



"Hahahahaha. Sorry na" Sabi niya habang natatawa pa rin





Inirapan ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagluluto. Ang bilis ng panahon, 5 months na kaming nagsasama. At sa loob ng limang buwan na yon, masasabi kong ibang-iba na talaga ang pakikitungo niya sa'kin. Mas lalo siyang naging sweet.





Nagulat ako ng biglang may yumakap sa likod ko, "A-aivan... Nagluluto ako oh" Sabi ko ng hindi siya nililingon





Hindi nya ako pinansin. Nakayakap pa rin siya sa'kin habang nakapatong ang baba nya sa balikat ko kaya hinayaan ko na lang siya. Nasasanay na rin naman ako. Ganyan siya madalas tuwing nagluluto ako.






"Mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa ha" Pareho kaming nagulat at napalingon sa nagsalita habang nakayakap pa rin yung isa nyang braso sa bewang ko




Nakatayo si tita Dang sa harap ng pinto habang may nakakalokong ngiti. "Anong ginagawa mo dito, Ditche?" Siniko ko naman siya ng mahina tsaka tiningnan ng masama dahil sa tono nya




Tumingin uli ako kay tita tsaka ngumiti, "Upo po muna kayo tita sa sala. Kumain na po ba kayo? Malapit na po itong niluluto ko"



"Ayos lang. Dinadalaw ko lang kayong dalawa. Akala ko nagbabangayan pa rin kayo eh. Hahaha"




Napatawa na lang rin ako pag naaalala ang mga panahon na yon. Kahit ako din naman ay hindi makapaniwala eh.





My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon