SC 1

1.1K 28 0
                                        



Tristan Aivan's Point of view



Kasalukuyan akong nagluluto ng beef steak na request ng asawa ko. Mula nang magkaayos kami ay nagsama na uli kami sa iisang bubong pero hindi pa uli kami kinakasal.

Kailangan muna kasi naming palipasin ang 6 months bago kami ikasal muli. Yun kasi ang batas dito sa mga nagd-devorce. Isang buwan na lang naman ay pwede na uli ang kaso ay malaki na ang tiyan ni Hara non kaya ang naging plano namin, ikakasal na lang muna kami sa papel bago ikasal sa simbahan talaga para madala ng magiging prinsesa namin ang apelido ko.

It's a girl at tuwang tuwa kami ng malaman na namin kung ano ang gender niya. Mas dumoble pa ang pagi-ingat ko sa kanya. Medyo nahirapan nga ako nung panahong naglilihi si Hara.

Gusto kasi niyang lagi akong nasa tabi niya at nahihilig sa pakwan na dilaw. Nahirapan akong bumili non dito kaya kinailangan ko pang bumili thru internet. Madalas rin siyang maging moody. Minsan hindi mamamansin o kaya naman ayaw magpayakap o kahit akbay man lang.

"Aivan! Matagal pa ba yan? Nagugutom na ako!"

"Eto na po. Ihahanda ko na lang" Nag-sandok na ako para mailagay sa lamesa.

Dumating na rin naman agad si Hara at naupo. Nang matapos akong mag-ayos ay umupo na rin ako at nagsimulang kumain.

"Itadakimasu!"

Tahimik lang kaming kumakain nang biglang magsalita si Hara. "Aivan, gusto ko ng yogurt. Bili mo ko?" Tiningnan ko siya at nakitang nakatingin rin siya sa'kin habang nakapout. Napatawa na lang ako ng mahina bago tumango, "Hontou?! Yay!"

Minsan talaga lumalabas ang pagiging isip bata ni Hara at ang pagiging clingy niya. May pagkakataon nga na hindi ako nakakapasok sa work ko dahil ayaw niya akong umalis sa tabi niya. Pag sinasabi kong hindi pwede, iiyak na lang siya agad at hindi ako papansinin buong araw. Ganito talaga siguro pag buntis, nagiging sumpungin.

Nang matapos kami ay niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasahan ito. Nagpunta naman si Hara sa sala.



Nagulat na lamang ako ng bigla akong makarinig ng tumitili na parang naiiyak kaya sa sobrang pagkataranta ko ay iniwan ko ang hinuhugasan ko at tumakbo papunta sa pwesto niya.

"Hara, bakit? Anong masakit? Masakit ba tiyan mo? Manganganak ka na ba? Teka kukunin ko gamit mo para makapunta na tayo ng hospital" Natataranta kong sabi sa kanya

Mas lalo naman siyang umiyak kaya mas lalo rin akong kinabahan, "Ang taba ko na, Aivan. Wah! Lumolobo na ko. Ayoko na!" At nag-iiyak na naman siya.

Napahinto naman ako at nagtaka, "Tumataba? Hindi naman, a?" Totoo ang sinasabi ko. Hindi naman siya mataba dahil balanse lahat ng kinakain niya at kahit marami siyang kumain, hindi pa rin siya tumataba gaya ng ibang nagbubuntis.

"No! Tumataba na ako! Nagiging baboy na ko! Tapos papangit na ako. Tapos ipagpapalit mo na ko!" Iyak pa rin siya ng iyak.

"Hara, hindi mangyayari yon. Kahit na ikaw ang pinaka-matabang babae sa mundo, iyo pa rin ako. Wag ka nang umiyak"

"Edi sinabi mo ring tumataba ako! Bahala ka nga dyan! Ayoko sayo! Hindi mo na ko mahal. Maghahanap ka na nang ibang mas maganda at sexy sa'kin!" At naupo ito sa sofa. Nagiging moody na naman ang asawa ko. Tsk.

"Baby, listen" Tumabi ako sa kanya at tiningan siya pero diretso lamang ang tingin niya sa t.v, "Hinding hindi mangyayari yon, okay? Iyo lang ako, diba? Hahayaan mo ba akong mapunta don?"

Hindi siya kumibo kaya napabugtong na lang ako ng hininga bago muling nagsalita, "Baby, hindi ka tumataba. Ang sexy mo pa nga rin kahit buntis ka oh. Ang ganda mo pa rin. Akala mo lang yan kasi malaki na ang tiyan mo. Ikaw ang pinaka-maganda at sexy sa'kin. Wala ng iba"

Tumingin naman siya sa'kin at napa-pout, "Pero baka maghanap ka ng iba pag tumaba ako. Tapos iiwan mo na ako. Iiwan mo na kami ni baby. Mawawalan na siya ng tatay. Mawawalan na ako ng asa---" Hindi ko na siya pinatapos dahil hinalikan ko siya ng mabilis sa labi.

"Ssshh. Wag kang mag-isip ng ganyan. Hinding hindi mangyayari yon. Pangako ko yan. Never mangyayari yon. Trust me, okay?"

Tumango siya at niyakap na lamang ako bigla. Niyakap ko siya pabalik kahit na medyo nakalobo na ang tiyan niya. "I'm sorry. Napa-paranoid lang siguro ako. Sorry, ha? Kung ang moody ko. Sorry kung napapahirapan kita. Sorry kung ang tigas ng ulo ko"

"It's okay. Wag kang mag-sorry, naiintindihan ko naman. Tsaka, yun naman dapat talaga ang ginagawa ng isang lalaki sa asawa niya. Ang unawain ang pabago-bagong mood ni'to. Basta wag ka nang magi-isip nang kung anu-ano. Hindi kita iiwan" Hinalikan ko siya sa noo, naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sakin.

"Thank you, Aivan. I love you"

"I love you, too. Tara na sa kwarto. Anong oras na rin oh, kailangan mo nang magpahinga" Tumango naman siya at tumayo. Inalalayan ko siya papuntang kwarto at hiniga siya sa kama.

"Pahinga ka na dyan. Babasahan ko uli ng libro si baby" Kumuha ako ng isang libro sa shelf at dumapa malapit sa tiyan niya. Iniangat naman niya ang damit niya para makita ko ang tiyan niya, "Hi baby. Andito uli si daddy oh. Babasahan kita uli ng story para makatulog kayo ni mommy ng mahimbing" Tumingin ako saglit kay Hara at nakita kong nakangiti siya sa'kin.

Binuklat ko na ang libro at nagsimulang basahin ito, "Once upon a time...." Tahimik lang na nakikinig si Hara habang ako ay nagbabasa malapit sa tiyan niya.

Ilang weeks ko na ring ginagawa ang ganito. Ang sabi kasi nila para maging matalino ang bata ay basahan daw ito ng libro. Kaya bumili ako ng mga libro at binabasa ko sa kanila tuwing gabi bago matulog.

Napapatingin ako kay Hara at nakitang nakapikit na siya habang nakangiti. Hinawakan ko naman ang kamay niya at naramdaman kong hinawakan niya rin ito.

"And they live happily ever after. The end" Tumingin muli ako kay Hara at nakitang nakatulog na siya. Hinalikan ko muna yung tiyan niya bago iayos ang damit niya at kinumutan siya. Nilagay ko na muli sa shelf yung libro at tumabi sa kanya para makapag-pahinga na rin.

Niyakap ko siya at hinalikan sa noo, "Good night, Baby. I love you"

--

A/N: Past-present-future ang peg ng SC kaya sana walang malito. And yes, tatlong chapters po ang SC. Sorry kung natagalan, katatapos lang ng exam ko. Haha. Peace~

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon