Go.

6.1K 100 3
                                    

Kakapagod! Whoo! Puro biyahe ginawa namin ngayon. Ang hirap rin pala. Lechugas!

Andito na kami sa Japan. Pauwi sa bahay na tutuluyan naming dalawa ne'tong si Tristan. Sisilipin muna namin then kesa ako kukuha ng gamit ko.

"Andito na tayo" Sabi ni tita Dang kaya bumaba na kami at sumunod sa kanya

Pagkapasok namin ay bumungad ang simpleng ayos ng sala. May mga gamit na, mukhang wala na akong pproblemahin kung hindi ang mga damit ko na lang.

"So, eto ang magiging bahay nyong dalawa. Magkahiwalay ang kwarto kaya wag kayong mag-alala. Kumpleto na rin ang mga gamit nyo" Paliwanag sa'min ni Tita

Apartment ang style nya. Malaki na para sa'ming dalawa, mukhang di naman ako mahihirapan dito. I hope so.

"Umuwi kana muna sa inyo Hara para kumuha ng damit. Pakisuyo na rin, pag okay na kayong mag-ayos, maglibot kayo ni Tristan. Date nyo na rin kumbaga. Hihi" Kahit kelan talaga si Tita, masyado pang bagets. Haha!

"Tita talaga. Haha. Sige po, ako ng bahala. Mauna na po muna ako" Kinuha ko ang bag ko tas pumara na ng taxi para makauwi

Pagkauwi ko ay nag-ayos na agad ako ng mga dadalin ko. Para naman akong maglalayas ne'to. Hayyy. Bukas ko na lang kukunin yung iba.

Nang matapos na ako ay tumawag na uli ako ng taxi at pumunta sa apartment namin.

Buti na lang tapos na ang exam kaya pwede ng hindi masyadong pumasok. Papasok na lang ako next week para ayusin ang requirements ko tas practice. Kapagod na buhaaaay!

Nang makarating ako sa apartment ay naabutan kong nag-aayos si Tristan ng gamit nya.

"Malapit kanang matapos?" Tanong ko dito

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon