Juu-go.

3.9K 62 0
                                    



Tristan Aivan Medina on the top <3




"Umuwi ka pa. Sana don kana lang natulog sa bestfriend mo na yon"



Napahinto ako at napalingon sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa t.v, "Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya. Kakainis lang!



"Problema ko? Wala naman. Nakikipag-DATE LANG NAMAN ang asawa ko. Anong pproblemahin ko don?"



"Ano bang date ka dyan? Hindi mo ba makuhang naglibot lang ako kasama si Ryuji?!"



Tumingin siya sa'kin ng malamig sa'kin, "Naglibot? I see. Sa tingin mo, paniniwalaan ko yan?"



"Edi wag kang maniwala!"



"Talaga! Magsama kayo ng bestfriend mo!"



Huminga ako ng malalim para mapigilan ang inis ko, "Bakit ba ganyan ka umasta? Nagseselos ka ba?" Prangka kong tanong sa kanya



Saglit siyang natahimik at maya-maya ay nagsalitang muli, "Ha! Ako magseselos? Bakit ako magseselos? Asawa lang naman kita sa papel"



Ako naman ang natahimik sa sinabi niya, parang may kumirot sa bandang dibdib ko. "Oo nga pala. Asawa mo lang pala ako sa papel. Ha ha. Asawa lang naman kila sa papel diba? Kaya wag kang mangielam ng mga gagawin ko!"



"Edi talaga! Pake ko nga naman sa'yo? Bahala ka sa buhay mo!"

Hindi ko na siya pinansin at pumasok na agad ako sa kwarto.



Ano bang problema nya? Ilang araw na siyang nagiging ganyan. Hindi ko makuha ugali niya! Ugh!




Naramdaman kong parang may basa sa pisngi ko. Sinalat ko ito at napagtanto kong umiiyak na pala ako. Ha ha. Bwisit. Ba't iniiyakan ko yung g*go na yon?!

Kakainis naman na luha to oh! Ayaw tumigil. Bakit nasaktan ako sa mga sinabi nya? Bakit ganito?



**



"May problema ka noh? Ang tamlay mo" Napatingin ako kay Ryuji at nakita kong nakatingin siya sa'kin


My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon