Shi.

6.3K 107 1
                                    

A/N: Belated happy valentine's day sa lahat! Si Tristan po yung nasa gilid. Haha. Short update lang. Enjoy!

--

"Malapit na tayo. Nagugutom kana ba?"


Umiling ako tas ngumiti. Andito na kami ngayon sa Pilipinas. Tagal ko na ring hindi nakauwi dito, nakakamiss din pala yung ganitong panahon.


Huminto kami sa isang bahay na medyo kalakihan. Mukhang mayaman nga talaga sila. Sa bagay, malaki kinikita ni tita tapos yung asawa pa nya may magandang negosyo.


"Tara na, Hara. Pasok na tayo" Tumango ako tas sumunod na rin sa kanila


Mukhang andito ang buong pamilya nila. Shocks! Kakahiya! Nagbabatian at kamustahan sila habang ako ay nakatahimik lang.


"Siya ba yung ikakasal kay Tan-tan?" Tanong ng isang babae na nasa 50+ siguro ang edad pero hindi mo iisiping ganon ang edad nya

"Oo nay. Siya nga. Si Hara pala" Nag-bow ako ng konti tas ngumiti

Ngumiti rin naman ito pabalik sa'kin, "Napaka-gandang bata. Bagay na bagay kay Tan-tan 'to"

"Ah salamat po. Hehe" Mukhang nagulat naman siya nung nagsalita ako

"Marunong pala siyang mag-tagalog!"

"Nay naman. Half Filipina yan kaya malamang. Hahaha" Natatawang sagot ni tita Dang

"Wala sa itsura nya ha. Haponesang haponesa ang itsura"

"Ilang taon nang nasa Japan yan eh. Nasan pala si Tristan?" Tanong ni tita Dang

"Sinamahan lang yung ate mong mag-grocery. Pabalik na rin yon"

Tumango si tita Dang pagkatapos ay tinuro na sa akin ni tita kung saan ako matutulog. Nag-ayos lang ako ng gamit tas lumabas na rin.

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon