"Congratulations!" "Congrats Hara & Tristan!"
Ang bilis ng araw. Eto na, kinasal na rin kami dito. May konting salu-salo ang naganap. Andito ang mama ko, sila Ivy, yung boyfriend ni Ivy at yung mga kaibigan ni tita Dang.
Kainan, kwentuhan, tawanan. Yan ang meron sa bahay na 'to. Dito ginanap sa bahay nila tita Dang ang handaan dahil yun ang kagustuhan ni tita.
"Naks teh! Naunahan mo pa kami ha!" Sabi ni Ivy habang kumakain ng cake
"Oo nga. Naunahan mo pa kaming ikasal. Haha" Sabi naman ng boyfriend niyang half-pinoy na si Taishi.
"Mga lul! Para namang kasal talaga hano" Sagot ko sa kanila pagkatapos ay inirapan sila
"Naku! Hahaha. Oy Tristan! Halika dito" Biglang tawag ni Ivy kaya lumapit ito at tumabi sa'kin. "Naks naman! Bagay sila oh. Hahaha!" Seriously. Iba talaga tama ni Ivy pag nakainom e.
Buti pa ako hindi pa ganon kalakas ang tama. Pakonti-konti lang kasi ang iniinom ko.
"Anong oras matatapos to?" Tanong sa'kin ni Tristan habang hinihilot ang sentido niya
"Di ko lang alam. Bakit? Masakit ulo mo?"
"Medyo. Naparami ang inom eh" Sumandal siya sa sofa at pinikit ang mga mata nya
Nakita ko naman si Ivy na sunod-sunod ang tungga sa alak nya. "Hoy bruha! Wag mong gawing tubig yan! Pigilan mo yan Taishi"
"Hihihi. Minsan lang teh. Ssshh" Tas tumungga na naman siya
Malakas na talaga amats ne'to.
"Oh? May lasing na agad sa inyo? Alas nuebe pa lang ah? Haha" Biglang sabi ni tita Amy na kararating lang ng sala
"Sila yon, tita. Kung makatungga eh. Haha" Sagot ko dito
BINABASA MO ANG
My Remunerated Bride
Romance[COMPLETED/EDITING] "Papayag lang ako sa kasal na'to para sa pamilya ko. Pagkatapos ng isang taon, mapuputol rin ang lahat. At magsisimula muli ako sa dati na parang hindi kinasal. Hanggang dito lang, hindi na sosobra pa." - Hara -- Cover by: emposs...