Ni.

9.5K 121 8
                                    

A/N: Si Hara Izumi nga pala yung nasa right side (Pag naka-computer or laptop. LOL) Enjoy~!

--


"Naka-busangot yang mukha mo, 'teh?" Nilingon ko ang bestfriend kong Pinay dito, si Ivy. Andito kasi ako sa kanila ngayon, tambay lang. Haha!



Kasabayan ko siyang dumating dito, anak nung kaibigan ng mama ko. Pure pinay pero dala na niya ang apelido ng asawa ni Tita. Inadopt na siya kumbaga.



"Kasi naman. Nagigipit na sila mama. Namo-mroblema ako kung paano ako makakakuha ng malaking sweldo" Sagot ko pagkatapos ay ginulo ko ang buhok ko. Nakakainis!


"Try mo benta yung kidney mo. Alam ko malaki kita don eh" Tiningnan ko siya ng masama kaya nag-peace sign lang siya, "Joke lang naman. Seryoso mo masyado"


Napailing na lang ako at napa-bugtong ng hininga, "Nakakaloka naman tong problema na'to eh. Tulungan mo naman ako"


"Di ka nag-iisa sa ganyang problema teh. Halos lahat yan na ang problema. Pero yaan mo, magtatanong ako sa iba kong mga kaklase kung may alam sila. Balitaan agad kita. Pero di ko sure kung may maaasahan ako sa mga yun ha."


Napangiti ako sa sinabi nya. Mahal na mahal talaga ako ng babaeng to e! Haha. "Arigatou! Mahal na mahal mo talaga ako noh. Hahaha" (Arigatou = Thank you)


"Eww lang ha! Kilabutan ka nga!" At umarte pa siya ng parang nandidiri sabay tawa. Baliw talaga to. Hahaha!



Nag-kwentuhan lang kami ng kung ano mga nangyayari sa kanya-kanya naming school. Magkahiwalay kasi kami pero nagsasama pa rin kami tuwing weekends. Nagkwento rin siya about sa 2 years and a half na niyang karelasyon. Tindi din ne'to eh. Hahaha.


Naputol ang pagkkwentuhan namin ng dumating yung mama niyang si Tita Riza at yung kaibigan ni'tong si Tita Amy.



"Konnichiwa~" Bati namin sa kanila (Konnichiwa = Hello)


"Konnichiwa. Uy Hara. Andito ka pala. Kumain naba kayo?" Tanong sa'min ni Tita Riza habang nilalapag ang mga pinamili nila


"Ah opo, tita. Katatapos lang po"


"Sige. Pag nagutom kayo may pagkain pa dyan ha" Tumango kami bilang sagot at nagkwentuhan na muli.


Habang nagdadal-dalan kami ay naririnig namin ang kwentuhan nila kaya medyo hininaan namin yung mga boses namin.



"Nga pala, naghahanap si Dang ng ipapakasal na haponesa sa kapatid nya, may kakilala kaba?" Rinig naming tanong ni tita Amy


"Bakit naman daw ipapakasal sa hapon?"


"Para makakuha ng permanent visa. Gusto atang itira dito yung kapatid nya"



"Hindi nga pala nakakakuha ang kapatid ng permanent visa" Tumatango-tangong sagot ni tita Riza, "Ilang taon naba? Tsaka, magkano naman daw ibabayad?"


"20 years old ata, bata pa yung kapatid nyang yon. Limang lapad (50,000 yen) ata isang buwan. Gusto nang ipakasal ngayong buwan sa Pinas tas iuuwi para dito naman ikasal" Sagot naman ni Tita Amy



50,000 yen per month? Ang laki non. Kaya na nung sustentuhan ang mga bayarin ng magulang ko. Yaman naman nila.



"Kayong dalawa. Baka may kakilala kayong papayag sa ganon?" Biglang tanong sa'min ni Tita Riza


"Wala 'my eh. Pero pag meron sabihin namin sa'yo" Sagot ni Ivy



May kakilala ba kami? Ako wala. May mga boyfriend lahat ng kakilala kong hapon.




Oh sh*t! "Ivy! Ivy!" Tawag ko dito


"Oh baket? Napano ka?" Tanong niya habang nakatingin sa phone nya. Katext na naman siguro na'to yung boyfriend nya -_-


"50,000 yen per month diba? Tama?"


"Oo daw. Bakit? Interesado ka? Hahahaha!" Natatawang tanong nito at maya-maya ay napalaki ang mata nya at tumungin sa'kin. Mukhang alam na nya ang nasa isip ko.


 Hindi ko siya sinagot tas lumapit ako kila tita at nagtanong, "Tita Amy, pwede bang i-divorce yon?"


"Oo naman. After makakuha ng permanent visa, pwede na agad mag-divorce. Ikakasal lang naman kayo sa papel dito at sa 'Pinas"


"Pero walang divorce sa Pilipinas diba? Paano yun?" Biglang tanong naman ni Ivy


"Pag mga foreigners, pwede ang divorce sa Pilipinas. Yung Filipino sa Filipino lang ang wala"


Eto na lang ang paraan. Ilang buwan lang naman to pagkatapos ay devorce na rin. Wala ng iba.


Napatingin sa'kin si Ivy. Parang tinatanong kung ano ang desisyon ko. Tumango ako sa kanya at lumingon uli kila Tita na nagdadaldalan.




"Ako tita. Ako na lang po ang ipakasal don sa kapatid ni tita Dang"

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon