Juu-shichi.

3.8K 73 0
                                        


A/N: Super lame ng update na 'to kaya wag kayong umasa. Huhu. And oh, medyo bawal ang bata sa chap na'to. HAHAHA! Hindi naman over pero medyo ano. Basta yon. Lol. Enjoy!


--




"Ang lakas mo ring magdala ng babae mo dito sa pamamahay na'to ha" Natigil sila sa tawanan nila at tumingin sa'kin


Nakatingin lang sa'kin si Aivan habang yung kasama niya ay tinaasan ako ng kilay. Kung kalbuhin ko kaya yung mala-toothpick ne'tong kilay?!


"Anta wa dare? Nande koko ni iru no?" Tanong ko dito sa tonong may pagka-irita. (Anta wa dare? = Who are you / Nande koko ni iru? = Why are you here)


Hindi nya ako kinibo. Aba g*go to a! "Mimi warui ka baka nano?" Sabi ko dito sabay taas ng kilay (Mimi warui ka baka nano = Bingi kaba o sadyang tanga ka)


"Hoy FYI! Hindi ako tanga. Iba rin pala talas ng dila ne'tong kasama mo"


Napangisi naman ako sa sinagot niya. Kailangan pa palang sabihan ng tanga to e.


"Sinabi mo na lang sanang tagalugin ko yung sinabi ko. Mawalang galang na pero wag kayo dito maglandian, hindi to bar o motel"


"Ano bang problema mo ha? Sino ka ba? Nananahimik kami dito"


Tumawa ako sa sagot nya bago nagsalita, "Hontou ka? Hmm.. Magkano binayad sayo ng asawa ko at pumayag ka? At kung hindi mo alam, ako ang asawa niyang nilalandi mo" (Hontou ka? = talaga ba?)


Nakita kong nagtitimpi na siya ng galit niya sakin. Tumayo siya bigla at kinuha ang bag nya, "Aalis na ko dito. Masyado na kong nasasabihan ng masasakit na salita!" Naglakad na siya palabas.


Napangisi na lang ako sa inakto niya, pikon agad. How poor. Psh. "Bakit mo siya sinabihan ng ganon?" Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakakunot ang noo sa'kin


"Bakit din kasi dito mo dinadala ang babae mo?" Magtimpi ka lang, Hara.


"Wala kang pake sa mga gagawin ko dito, bahay ko to"


"Ha! Bahay mo? O, bahay natin? Baka nakakalimutan mong may parte rin ako dito. Hindi ko nga dinadala dito si Ryuji tas ikaw magdadala ka lang ng babae? Wow!"


"Dahil ayoko ng may asungot dito sa pamamahay nato, Hara. Masyado mong sinaktan yung tao sa sinabi mo. Tss" At naglakad na siya palayo sa'kin.


"Ayaw mo ng may asungot? Oh, bakit nagdala ka? At, ano? Kakampihan mo siya kesa sa'kin?!" Hindi niya ako sinagot at tuloy-tuloy na lumabas. Ano? Mas pipiliin niya yon?! Fine! Magsama sila!



Marami pang alak dito na hindi nabuksan kaya kinuha ko ito at uminom dito ng mag-isa. Sh*t! Bakit ba ko nagkakaganito? Hindi naman ako ganito dati e. Bakit parang ang sakit? Lalo na nung sinundan pa niya yung babae na yon kesa sakin.


Naramdaman ko na namang basa ang pisngi ko, umiiyak na naman pala ako. Ha ha. Natatawa na lang ako sa sarili ko, nagmumukha na akong baliw. Tinuloy ko na lang ang pag-inom ko dito. Gusto kong makalimot kahit saglit.



Nakakailang lata na rin ako ng beer dito at masasabi kong nahihilo na ko. Ayaw pa rin tumigil ng mga luha ko. Kakainis!! Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya pinunasan ko agad ang mga luha ko bago lumingon sa kanya, "Oh? Buti at naisipan mo pang umuwi?"


Tumingin siya sa'kin gamit ang mga malalamig niyang tingin, "Pake mo? Ano bang problema mo at pinagsabihan mo siya ng ganon?"


"So, mas pinagtatanggol mo pa talaga siya kesa sakin? T*ngina naman Tristan! Ako ang asawa mo dito tas sa kanya kapa kampi?!" At nag-unahan na naman ang mga luha ko sa pagpatak. Nakita ko sa mga mata niya ang pagkagulat ng maiyak ako, pero I don't care! Wala na kong pake sa pinaggagawa ko, "Ha ha. Kung sa bagay, mas kakampihan mo nga naman siya. Sino nga naman ba ako? Asawa mo lang naman ako sa papel. *sobs* Kakagago lang noh, kasi nagkakaganito ako sa maliit na bagay! sh*t!"


Napatulala siya habang diretsong nakatingin sakin. Maya-maya pa'y nagsalita rin siya, "Ano bang nangyayari sayo, Hara? Wala ka namang pakeelam sa mga ginagawa ko diba? May Ryuji ka kaya anong problema mo?" Malamig na tugon niya sakin.


Bakit... Bakit nasasaktan ako nung pinagtutulakan niya ako sa iba? T*ngina naman! "Ano nga bang pakeelam ko? Bakit nga ba ako nagkakaganito? Ha?! *sobs* T*ngina naman Tristan! Nagseselos ako! Manhid ka ba?!" Dahil sa sagot ko ay nakita ko na naman ang pagkagulat sa mukha nya kaya tinuloy ko na lang yung sasabihin ko tutal andito na e. "Oo Tristan. Nagseselos ako! Nagseselos ako sa babaeng kasama mo na yon! Bakit sa kanya ang saya mo? Bakit sakin hindi? Ha?! May mali ba ko para itrato mo ko ng ganito? Maganda naman ang pakikitungo ko sa'yo. Wala akong ginagawang masama! Sorry kung nagseselos ako ha. Wala naman talaga akong karapatan, alam ko yon. Wag mo ng ipamukha sakin. Pero sana naman bago mo gawin yan, nakipag-devorce ka---"



Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan. Hindi agad ako nakagalaw sa ginawa niya. Maya-maya pa'y gumalaw siya at hindi ko namalayan na tumutugon ako sa halik niya.


Bakit ang sarap sa pakiramdam? Nawala lahat ng galit ko sa kanya. Bakit ganito? No, mali to e! Pero ayokong itigil....


Lumalim ang mga halik niya... Pinalupot niya ang mga braso nya sa bewang ko at ganon rin ang ginawa ko sa leeg nya. Binuhat niya ako ng hindi napuputol ang halik niya.



Naramdaman ko na lamang na nakahiga na ako sa malambot na kama. Hiniga niya ako ng hindi pa rin niya pinuputol ang mga halik namin.


Tumigil siya at tumingin sa mga mata ko. Nakakalunod ang mga tingin niya... "I'm so sorry. Please, wag mo 'kong iiwan." At hinalikan na naman niya ako uli.


Kung may ano sa tiyan ko na hindi ko malaman. Bakit ganito? Bakit ang bilia ng tibok ng puso ko sa tuwing andyan siya? Gusto ko na ba siya?


Nararamdaman ko ang mga kamay niyang lumalakbay sa katawan ko. At, itong gabi na to, ay ang gabi kung saan ko ibibigay ang lahat.

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon