Shichi.

4.7K 77 0
                                    

A/N: Happy April Fools Day! Ingat sa mga nanloloko. Hahahahaha xoxo~

--

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Hmm~ sino nagbukas ng kurtina? Panira naman ng tulog oh!

"Aish" Nagtalukbong ako ng kumot at matutulog na sana uli ng makarinig ako ng boses

"Ohayou Hara" Ugh. Morning voice ng isang lalaki~ Ang sexy~ Ang gandang panaginip naman ne'to.

"Gising na, Hara. 9 AM na" Ginigising ako ng sexy voice na yon. Shet~ Nasa heaven naba ako at nakakarinig ako ng ganong boses sa tabi ko?

Wait... What?! Nasa tabi ko ang boses diba? Hindi naman nako lasing? Bigla kong tinanggal ang pagkakatalukbong ko kaya nakita ko yung nasa kaliwa kong nakatingin lang sa'kin

"Waaaaaaaah!" Dahil sa gulat ko ay dali-dali akong lumayo sa kanya pero wrong move! Nahulog ako sa kama! Fck! Ang sakit ng pwet ko. Huhu

"Uy. Ayos ka lang?" Tanong niya sa'kin ng makalapit siya

"Sa tingin mo okay lang ako?! Ikaw kayang itulak ko sa kama?! Sht naman"

"Sorry. Mukhang nagulat ata kita"

"Ano ba kasing ginagawa mo sa tabi ko?!"

"Malay ko rin. Nakita na lang kitang nakahiga dito sa kama ko eh"

Napasapo naman ako sa ulo ko. Hang over na nga tas maiisip ko pa tong nangyari!

"Kung hindi ka ba naman kasi mangyakap kagabi, eh di sana wala ako dyan ngayon! Ugh!" Tumayo na ako at dali-daling lumabas.

Pumasok ako sa kwarto ko at sinarado ito. Kakainis! Oo, don ako nakatulog. Ayaw nya kasing bumitaw, edi no choice! Masakit rin ulo ko non dahil sa pagkakainom kagabi. Argh!

Maya-maya ay lumabas na ako at pumunta sa CR para maghilamos at mag-toothbrush. Nang makalabas na ako ay nakita ko siyang nakaupo sa sala.

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon