Juu-yon.

4.1K 77 1
                                    


Hara Izumi on the top <3



Pauwi na kami sa'min. Tahimik lang kami sa biyahe at masasabi kong mas lalo kami naging awkward na dalawa lalo na sa mga sinabi niya kanina.




*Flashback*




"I like you, Hara. No, I mean, I love you. Mahal kita" Hindi ako nakakibo sa sinabi nya... Ako? Mahal niya?



"A-ako? Bakit ako?"



"Bakit hindi? Simple kang babae, mapagmahal, maalaga, inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sarili. Sinong hindi maiinlove sa isang katulad mo?"



"P-pero... Alam mong kasal ako" Mahina kong sabi pero sapat na para marinig nya



Hinawakan nya ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko, "Pag naka-isang taon kana, mapuputol na rin yon diba? Makakapag-hintay ako. Just please, bigyan mo ko ng chance"




Hindi ko alam ang ire-react ko... Okay naman si Ryuji, eh, gwapo, habulin nga ng babae to, mabait, sweet, maalaga... Pero, hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.




"Hindi kita mamadaliin. Maghihintay ako ng sagot mo pero sana wag mong idistansya ang sarili mo sa'kin after ng araw na'to"



*end of flashback*




See? Naguguluhan ako.. Di ko alam ang gagawin ko. Huminto ang kotse kaya napatingin ako sa bintana, andito na pala kami.



Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya bumaba na ako, "S-salamat"

Ngumiti siya sa'kin, "Salamat sa time mo. Maghihintay ako, wag mong madaliin. Pag-isipan mo ng mabuti. Pero sa ngayon, manliligaw mo ko kahit hindi kapa nagy-yes. Goodnight Hara" Hinalikan nya ako sa pisngi tas pumasok na sa kotse nya at pinaandar na ito.



Waaaah! Naloloka ako. Huhuhu. Bakit nagiging ganito buhay ko? Naman oh!

Pumasok na ako sa'min at nag-punta sa sala. Nakita ko siyang nakaupo sa sala, "Tadaima"



Lumingon lang siya sa'kin saglit tas binalik na niya uli ang tingin niya sa t.v. Anong problema ng lokong 'to? "Kumain kana ba?" Tanong ko sa kanya

My Remunerated BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon