Chapter 4
Tired**
"Good morning!"
Napahawak si Sofia sa kanyang dibdib dahil sa gulat. Nang lingunin niya ang bumati sa kanya ay bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Zane. Pero unti-unting nawala ang ngiti nito nang malamang ay napansin nito na nagulat siya.
"Zane, ikaw pala. Good morning," nakangiting bati ni Sofia.
"Sorry. Nagulat yata kita."
"It's okay. Wala lang ako sa sarili," sagot niya. Kung ibang tao siguro ang gugulat sa kanya ay baka kanina pa niya pinagalitan. Ibang usapan na kapag si Zane. Parang ano man ang gawin nito ay ayos lang sa kanya. Pakiramdam nga niya ay kumpleto na ang araw niya dahil nakita niya ito nang ganito kaaga.
Nagpatuloy sila sa paglalakad papunta sa una nilang klase. Naalala ni Sofia na magkaklase nga pala sila ni Zane sa unang subject sa araw na iyon. Mas lalo lang niyang naramdaman na maganda ang umaga niya.
"Hmm... mukha nga. You look tired. Are you okay?" Zane asked.
She smiled. "I'm fine. Medyo inaantok lang. Late na kasi ako nakatulog kagabi."
"Is that so?" Tumingin ito sa relong suot. "We still have 40 minutes before our class. Do you want to—"
"Zane!"
Naputol ang sinasabi ni Zane nang may tumawag dito. Huminto sila sa paglalakad at nilingon nito iyon. Napakunot-noo naman si Sofia dahil nabitin siya sa dapat na sasabihin ni Zane.
Lumapit sa kanila ang isang lalaking hindi kilala ni Sofia pero pamilyar sa kanya dahil nakikita niya sa school. Pasimple niya itong sinamaan ng tingin dahil sa biglaan nitong pagsulpot.
"Mabuti at nakita kita," sabi ng lalaki saka huminga nang malalim. "May ipapa-check kasi ako para sa report natin mamaya. Kung wala ka pang klase, ayos lang bang pakitingnan muna? Saglit lang naman."
"Ganoon ba? Sige," sagot ni Zane bago nilingon si Sofia. "Maiwan muna kita."
Aalis na sana sina Zane pero bago mangyari iyon ay pinigilan na sila ni Sofia.
"Wait! Um... may sasabihin ka dapat, 'di ba?"
"Oh!" Zane smiled. "Yayayain sana kitang bumili ng kape bago pumasok pero mukhang hindi na muna ngayon. Next time na lang?"
Bumagsak ang balikat ni Sofia sa narinig. Gusto niyang pagalitan ang lalaki dahil sa biglaan nitong pagsulpot pero alam niyang wala naman itong kasalanan. Pilit na lamang siyang ngumiti at tumango.
"Ah. Sige, next time na lang. Una na ako sa room," paalam niya.
Nagpaalam na ulit si Zane sa kanya pagkatapos ay umalis na ito kasama ang lalaki. Nang tuluyan silang mawala sa paningin ni Sofia ay napabuntong-hininga siya. Walang ganang pumunta na siya sa una niyang klase.
Pagdating doon ay dumiretso siya sa kanyang upuan kung saan naroon na rin si Millie. Kunot ang noo nito habang sinusundan siya ng tingin.
"Ang aga-aga nakasimangot ka. Anong problema mo?" tanong nito.
She sighed. "Nothing."
Kinuha niya ang kanyang airpods at nakinig na lamang ng music para hindi na siya tanungin ni Millie.
"Ang sungit ni ate girl," ang dinig niyang sabi ni Millie bago tumugtog ang kanta sa kanyang tenga.
Hindi na lamang niya ito pinansin. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa mesa at sinubukang umidlip. May ilang minuto pa naman bago magsimula ang klase at alam niyang gigisingin naman siya ni Millie kapag dumating na ang teacher nila.
BINABASA MO ANG
The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)
RomanceSilent Lips Series #4 Sofia Grace Valderama