Seventeen

903 37 6
                                    

Chapter 17
Falling

**

Wala sa sarili si Sofia habang kumakain ng tanghalian nang sumunod na araw. Lunch break na nila at kasalukuyan niyang kasama si Millie sa madalas nilang tambayan.

After what she saw yesterday, she waited until Charles went away before going to her locker. She still couldn't believe what she saw but as soon as she saw his letter, that's when she truly believed that he is, indeed, her secret admirer.

She spent almost the whole night thinking about it. Kahit na sigurado na siya na si Charles nga ang secret admirer niya, hindi pa rin siya makapaniwala. Bakit at paano siya nito nagustuhan? Iyon ang paulit-ulit na laman ng isip niya.

Ang tanging malinaw lang sa isip niya ngayon ay ang katotohanang ang nararamdaman niya ay nakalaan lamang sa isang tao. May nararamdaman na siya sa secret admirer niya bago pa man niya malaman kung sino ito. Alam din niyang unti-unti na siyang nahuhulog kay Charles pero pinipigilan niya iyon dahil alam niyang hindi pwede. But now that she knows the identity of her secret admirer, she couldn't deny her feelings for him anymore.

She's starting to fall for Charles, her teacher. That's bad, right?

"Hoy, Sofia! Kanina ka pa tulala riyan. Ano bang nangyayari sa'yo?"

Napakurap-kurap siya nang marinig ang boses ni Millie. Napabuntong-hininga siya.

"Sorry. May iniisip lang," sagot niya.

"Tungkol pa rin ba iyan sa secret admirer mo?" Tumango siya. "Itigil mo nga muna iyan. Magpapakilala naman iyon kapag handa na siya."

"I already know who he is, Millie."

Nanlaki ang mga mata nito. "Huh? Sino?"

Bago niya sagutin ang tanong nito ay napatingin-tingin muna siya sa paligid. Nang masigurong walang taong malapit sa kanila ay lumapit siya kay Millie para bumulong.

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong si Sir Charles?"

Natigilan si Millie at hindi nakasagot. Maya-maya ay napakurap-kurap ito at unti-unting natawa. Sa tingin at reaksyon pa lang nito ay alam na ni Sofia na hindi ito naniniwala sa kanya.

"Joker ka, girl? Napaka-imposible naman niyan!" tumatawa pa rin nitong sabi.

"Right? It's so impossible," she replied and sighed. "But I'm not joking. He's really my secret admirer."

Unti-unting nawala ang tawa ni Millie. Marahil ay napansin nitong seryoso siya. Tumikhim ito.

"You're serious? Paano mo naman nasisigurong siya nga? Nakita mo? Sinabi niya sa'yo?" sunod-sunod na tanong nito.

Napabuntong-hininga si Sofia bago sinimulang ikwento kay Millie ang tungkol sa nakita niya kahapon. Inamin na rin niya na bago pa man niya malaman na si Charles ang secret admirer niya ay may nabubuo na siyang feelings para sa guro.

Tahimik lamang si Millie habang nakikinig sa kanya. Nang matapos siyang magkwento ay hindi ito nagsalita. Tumigil na rin ito sa pagkain.

At first, Sofia wondered why Millie stayed quiet. Maybe she couldn't believe it, too. But she suddenly remembered that Millie has a crush on Charles. Bigla tuloy siyang nataranta at nagsisi na ikinuwento pa niya iyon sa kaibigan.

"Uh... ano... kalimutan mo na lang ang ikinuwento ko," nahihiya niyang sabi. Napakunot-noo si Millie.

"Huh?"

She apologetically smiled. "I'm sorry. You like Sir Charles, right?"

"Ah," sabi ni Millie saka umiling. "Okay lang naman. Happy crush lang iyon. Kilala mo naman ako, 'di ba? Marami akong crush. Isa pa, imposible ring patulan ako ni Sir. Aside from the fact that he's a teacher, you just found out that he's your secret admirer. Obviously, he likes you."

The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon