Chapter 23
In Love**
Sofia doesn't know what to say when she heard that the woman is Charles' mother. She doesn't even know how to act in front of her. Bigla siyang nahiya at kinabahan.
This lady beside her is Charles' mother! Kahit sino naman siguro ay kakabahan kapag kasama nila ang magulang ng taong mahal nila. At kahit sino rin ay gugustuhing magpakitang-gilas sa harap nila para lang magustuhan para sa anak nila. Hindi siya sigurado kung nasabi ni Charles ang tungkol sa kanya pero gusto niyang magustuhan din siya ng ina nito.
Tumikhim siya at ngumiti sa babae.
"Uh... isa po ako sa mga estudyante ni Sir Charles," aniya.
"Ganoon ba? Ano nga palang pangalan mo, hija?"
"Sofia Grace Valderama po."
Napansin niya ang pagbagal ng lakad nito kaya bumagal din ang lakad niya. Nang lingunin niya ito ay kita niya ang gulat sa mga mata nito.
"Valderama? Are you related to Joseff Valderama?"
Nagulat siya sa narinig. "Anak po niya ako. Kilala mo po si Daddy?"
"Oh." Umiling ito at ngumiti. "Not personally. Nakikita ko lang sa news at nabanggit ni Charles na nag-aaral daw rito ang anak niya. Nagulat lang ako na ikaw pala iyon. And... Charles told me something about you."
Napakunot-noo siya. "Si Sir Charles po? Ano po ang sinabi niya tungkol sa akin?"
Imbes na sumagot ay tinitigan lang siya nito. Ang kabang nararamdaman niya kanina ay mas lalong dumoble. Pakiramdam niya ay may kahulugan ang titig nito sa kanya. Kung ano iyon ay hindi niya alam.
"Uh... may problema po ba?" tanong niya nang hindi na niya nakayanan ang titig nito.
Ngumiti ito at umiling.
"Wala, hija," sagot nito saka nagpatuloy sa paglalakad. "Tara na. Diretso lang ba?"
"O-Opo."
Nagtataka man sa tingin nito ay binalewala na iyon ni Sofia. Wala naman siguro itong iniisip na masama. Wala rin naman sa itsura nito ang mukhang may binabalak. She looks so soft. Aside from that, Sofia feels safe while walking with her.
Mga ilang sandali lang ay nakarating na sila sa faculty room. Nang nasa pinto na sila ay saka lang naalala ni Sofia na ngayon na lang ulit niya makikita si Charles pagkatapos ng ilang linggong bakasyon. Kung kanina ay kinakabahan siya dahil sa ina nito, ngayon ay kinakabahan na siya dahil kay Charles.
Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya lalo na dahil medyo matagal na rin mula noong huli silang nagkausap na tulad ng dati. Is he going to treat her like before or like the last time they talked?
But most of all, does he still has feelings for her?
Huminga siya nang malalim bago sumilip sa nakabukas na pinto. May ilang teachers na nasa loob na mukhang busy sa kani-kanilang ginagawa. Isang guro ang nakapansin sa kanila kaya lumapit ito.
"Yes?"
"Good afternoon po, Ma'am. Nandiyan po ba si Sir Charles? Nandito po kasi 'yong nanay niya," aniya.
Lumingon ito sa likod at tinawag si Charles. Sinundan ni Sofia ang tingin nito. Saktong paglingon ni Charles ay nagtama ang tingin nila. Agad bumilis ang tibok ng puso ni Sofia at aminado siyang hindi iyon dahil sa kaba. This is just what she feels whenever their eyes meet.
Ah, she's really in love with him.
Napakurap-kurap siya nang makitang papalapit si Charles sa kanila. Bahagyang napakunot-noo si Sofia nang mapansing imbes na sa ina nito tumingin ay sa kanya ito nakatitig. Hindi niya alam kung dapat ba siyang umiwas ng tingin o hindi. Pero kahit na naisip niya iyon, hindi niya rin naman magawa.
BINABASA MO ANG
The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)
RomantizmSilent Lips Series #4 Sofia Grace Valderama