Twenty-Seven

2.3K 67 37
                                    

Chapter 27
Civil

**

After spending the rest of her time with Charles, Sofia said goodbye to attend the graduating students' meeting. Nagpaiwan naman doon ang guro para magpahinga pa ng kaunti bago ang susunod na klase nitong tuturuan.

Magaan ang loob ni Sofia habang naglalakad papunta sa auditorium kung saan gaganapin ang meeting. Pakiramdam niya ay wala na lang para sa kanya ang anumang maririnig niyang tsismis tungkol kay Charles at Miss Amie dahil sa sayang nararamdaman niya ngayon. They can say all they want, she doesn't care anymore.

Malapit na siya sa auditorium nang mapansin niyang may ilang estudyanteng pumapasok at lumalabas mula roon. Tumingin siya sa kanyang relo. Sampung minuto na lang ay magsisimula na ang meeting. Mukhang sakto lang ang dating niya roon.

May ilang nakasalubong siyang estudyante na hindi niya maiwasang mabunggo dahil sa masikip na hallway. Nang nasa harap na siya ng pinto ay itinulak niya iyon para buksan pero hindi niya inaasahan ang taong bumungad sa kanya.

"Millie," bulong niya.

Parehas silang gulat at natigilan nang makaharap ang isa't isa. Kung hindi lang sila nabunggo ng ilang estudyanteng papasok at palabas ay baka nanatili lang silang gulat na nakatitig sa isa't isa. Sofia cleared her throat and looked away. Nilampasan niya ito at hindi na pinansin.

Marami pa ang bakanteng upuan sa harap kaya dumiretso siya roon. Pag-upo niya ay huminga siya nang malalim.

It's been a while since she last saw Millie. After what happened to them, they never talked anymore. Magkatinginan man sila ay agad ding nag-iiwasan ng tingin. Nang matapos ang nakaraang semester ay hindi na rin talaga niya ito nakausap. Hinayaan na lang niya iyon dahil mukhang wala rin naman itong balak na kausapin siya.

Dahil mukhang hindi pa magsisimula ang meeting sa tamang oras, naisip ni Sofia na ilabas muna ang kanyang cellphone para malibang habang naghihintay. Pero bago pa man niya iyon magawa ay napansin niya ang pagtabi sa kanya ng kung sino. Nang mag-angat siya ng tingin ay napangiti siya nang makita si Zane.

"Hi!" he greeted.

"Hello," bati pabalik ni Sofia. "Kumusta?"

Tinitigan niya ang binata. Ilang buwan na rin mula nang huli silang magkita dahil sa internship nila. They still talk to each other online but it feels good to see him again after a few months of not seeing each other. She noticed how tired he is. Malamang ay tulad niya, mahirap din para rito ang internship nila.

Napakibit-balikat ito. "Heto, ayos pa naman. Buhay na buhay pa kahit medyo nakakapagod."

She chuckled and nodded.

"I feel you. Pero kaunting tiis na lang, matatapos na rin tayo."

"Yeah. Ikaw? Kumusta?" tanong nito. "I saw you with Millie earlier. You're still not talking to each other?"

Umiling siya at napabuntong-hininga. "Kung ako lang, gusto ko sanang kausapin siya kahit sa huling pagkakataon. Ayaw ko namang makapagtapos nang hindi kami nagkakaayos. Ayaw kong may maiwang sama ng loob sa kahit sino. Pero mukha namang ayaw pa rin niyang makipag-usap kaya hindi na lang muna siguro."

Tinapik ni Zane ang kanyang balikat.

"May higit isang buwan pa naman. May pagkakataon pa para makapag-usap kayo kahit sa huling pagkakataon," sabi nito.

Tipid na lamang na ngumiti si Sofia at tumango kahit na sa totoo lang ay hindi niya alam kung mangyayari pa ba iyon lalo na dahil hindi naman sila madalas magkita. She can't even message Millie online because she blocked her. Clearly, she doesn't want anything to do with her.

The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon