Chapter 21
Ruined**
Ilang minuto na ang nakalipas mula nang lumabas ang mga babae sa banyo pero nasa loob pa rin ng cubicle si Sofia. Pagkatapos ng mga narinig niya, dumagsa ang maraming tanong sa isip niya. Magulo rin ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.
Paano nagawa sa kanya ni Millie iyon? Ano ang dahilan nito? Alam nito na wala silang relasyon ni Charles kaya ano ang pumasok sa isip nito at iyon ang ipinagkalat nito?
Most of all, ano ang nagawa niya kay Millie para maisip nitong gawin iyon?
Wala siyang ebidensya at hindi siya sigurado kung totoo ang sinasabi ng mga babaeng iyon pero kung sakaling mapatunayan niyang totoo iyon, mahihirapan siyang patawarin si Millie ano pa man ang dahilan nito. Una sa lahat, hindi lang siya ang naapektuhan sa tsismis na iyon kundi pati si Charles. Swerte na lang na naayos nila iyon pero kung hindi ay baka nawalan na ito ng trabaho.
Thinking about it somehow ignites a fire within her. Anger slowly rushed through her veins. Alam niyang kailangan muna niyang kausapin si Millie para malaman kung totoo ang narinig niya pero hindi niya mapigilang makaramdam ng galit.
Pumikit siya at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. Kung magpapakita siya ngayon kay Millie, ayaw niyang mahalata nito na may nalaman siya na dahilan para makaramdam siya ng galit. Marami siyang tanong na tanging si Millie lang makasasagot. Pero sa tingin niya, hindi ito ang tamang oras para roon lalo na dahil nasa school sila. Ayaw niyang makakuha sila ng pansin kung sakali mang hindi naging maganda ang pag-uusap nila.
Pagkatapos niyang pakalmahin ang sarili ay lumabas na siya ng cubicle para maghugas ng kamay. Lumabas na rin siya roon at dumiretso sa library para balikan si Millie. Huminga siya nang malalim at umakto na parang wala siyang nalaman kani-kanina lang.
Kasalukuyan nang nagbabasa ng libro si Millie nang makabalik siya sa pwesto nila. Nang mapansing nakabalik na siya ay nag-angat ito ng tingin.
"Ang tagal mo. Akala ko nilamon ka na ng inidoro," bungad nito.
"Sorry. Medyo maraming estudyante sa banyo," sabi na lang niya bago kinuha ang kanyang gamit. "Tara na? Baka ma-late tayo sa susunod nating klase."
Tumango si Millie saka kinuha ang mga gamit nito. Tumalikod na si Sofia para mauna papunta sa classroom pero hindi pa man siya nakakahakbang ay pinigilan siya ni Millie sa braso. Nagtatakang nilingon niya ito.
Napakunot-noo siya nang mapansing hindi ito makatingin nang diretso sa kanya na para bang nahihiya ito.
"Uh... Sofia," she called her. Huminga ito nang malalim at tumingin sa kanya nang diretso. "I'm sorry for what happened earlier. Pagod at stressed lang ako nitong mga huling araw dahil sa school works. Still, hindi dapat kita pinagsabihan ng ganoon. I'm really sorry."
Hindi agad nakasagot si Sofia. Hindi niya alam kung totoo ang paghingi nito ng tawad sa kanya o sinasabi lang nito iyon para magmukhang okay sila kahit na may lihim talaga itong galit sa kanya. After what she heard earlier, she doesn't know if she can trust Millie anymore.
In the end, she smiled as if nothing is wrong. Kung kaya nitong makipag-plastikan sa kanya, pwes kaya niya rin.
"It's okay. Naiintindihan ko," sagot niya. Ngumiti si Millie saka kumapit sa braso niya.
Hinayaan niya lang ito na hilahin siya papunta sa classroom. Habang naglalakad ay inisip niya kung paano makakausap si Millie nang silang dalawa lang. Hangga't maaari rin ay ayaw niyang mahalata nito na seryoso ang pag-uusapan nila dahil baka magtanong ito kaagad.
Pagdating sa classroom at pagkaupo sa kani-kanilang upuan ay agad niyang kinausap si Millie.
"May gagawin ka ba after class?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)
RomanceSilent Lips Series #4 Sofia Grace Valderama