Five

1.1K 32 5
                                    

Chapter 5
Admirer

**

"Sige na, Ate. Bibisita na lang ako riyan sa weekend," ang sabi ni Sofia sa kanyang Ate Zoey habang ka-video call ito.

Kararating lang niya kanina sa school nang tumawag ito para mangumusta. Binagalan niyang maglakad kanina para makausap ito nang matagal pero ngayon ay kailangan na niyang magpaalam dahil baka ma-late siya sa una niyang klase.

Dadaan muna siya sa kanyang locker ngayon para kuhanin ang ilang gamit na kailangan niya bago pumunta sa classroom.

"Okay. Siguraduhin mo lang na pupunta ka talaga rito sa weekend. At dito ka na matulog. Miss na miss ka na ni Vin na kalaro," sabi ni Zoey sa kanya na ang tinutukoy ay ang panganay nitong anak at pamangkin naman niya.

"Yes, Ate. See you."

Pagkatapos magpaalam sa nakatatandang kapatid ay binilisan na niya ang lakad papunta sa hallway lockers. May kalahating oras pa naman bago ang una niyang klase pero nagmadali na siya dahil gusto niyang gamitin ang natitirang oras para i-check ang report niya mamaya para sa isang subject.

Malapit na siya sa kanyang locker nang mapansin niya ang nakadikit na isang tangkay ng puting rosas sa pinto nito. Nang huminto siya sa harap ng locker niya ay kinuha niya iyon. Mayroong nakasabit na maliit na card doon na agad niyang binuklat at binasa.

Dear angel,

This letter may look strange to you, but this is the only thing that I could think of to let you know my feelings. You're the most amazing person I ever met. Your personality, the way you act and the way you handle things is what I like most about you. Yes, I like you. This isn't the right time yet, but I hope you'd let me take you out on a date when I finally have the courage to tell you what I feel in person. For now, I hope my feelings reach you through my letters.

Mr. A

Napataas siya ng kilay sa nabasa. Sinuri niya ang card pero wala siyang nakitang pangalan doon maliban sa alias na nakalagay sa pinakababang parte ng sulat. Wala siyang ideya kung kanino iyon posibleng nanggaling at kung sino ang maaaring gumamit ng ganoong alias.

Itinabi na muna niya iyon sa kanyang isipan at kinuha na lamang ang mga gamit na kailangan niya. Dinala na rin niya ang rosas at card para ipakita kay Millie. Gusto niyang malaman ang opinyon nito tungkol doon at kung may kilala itong pwedeng magbigay sa kanya no'n. Pero naisip niyang hindi rin imposible na baka nagkamali lang ng pinagbigyan ang nagsulat no'n.

But that's also impossible because they have names on their lockers.

Wala pa si Millie nang pumasok siya sa classroom pero may iilan na siyang mga kaklase. Sumalampak siya sa kanyang upuan saka inayos ang mga dala niyang gamit mula sa locker. Inilapag na muna niya ang kanyang libro pati na rin ang rosas sa mesa ni Millie habang wala pa ito. Pagkatapos no'n ay binuksan niya ang laptop na dala para i-check ang report niya para mamaya.

Patapos na siya sa ginagawa nang tumabi si Millie sa kanya. Kukunin na sana niya ang mga gamit niyang nasa mesa nito pero bago pa man niya iyon magawa ay dinampot na nito ang rosas na nasa ibabaw ng mga libro.

"Kanino ito? Sa'yo?" tanong nito.

"Uh... yeah, I think so."

"You think so? Hindi ka sigurado?" tanong nito bago binasa ang laman ng card. Napasinghap ito at napatingin sa kanya. "You have a secret admirer?"

"Hindi ko alam, Millie. Hindi ko alam kung para sa akin iyan pero nakita ko iyan sa locker ko kanina."

"Eh, 'di para sa'yo nga."

The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon