Twenty-Six

1.1K 49 12
                                    

Chapter 26
You

**

Three weeks after Sofia's birthday, she took a day off to go to school. Magkakaroon ng meeting ang lahat ng graduating students para mapag-usapan ang mga susunod na events na mangyayari pati na rin ang mga kailangan pa nilang gawin bilang graduating student.

Mahigit isang buwan na lang ay ga-graduate na sila. Of course, Sofia is excited. Hindi lang iyon dahil makapagtatapos na siya ng pag-aaral kundi dahil na rin kay Charles. Sa oras na makapagtapos siya ay malaya na niyang masasabi at maipaparamdam kay Charles na gusto niya ito.

But right now, she's excited to see him at school. It's been so long since the last time she saw him. Sa pagkakatanda niya ay noon pang bisperas ng Pasko ang huling beses na nagkita sila. Hindi rin sila nakakapag-usap dahil wala naman siyang lakas ng loob para i-chat ito. Hindi rin naman kasi niya alam ang sasabihin.

Hapon pa ang meeting pero medyo inagahan ni Sofia ang pagpunta sa school. May higit kalahating minuto pa siyang maghihintay bago magsimula ang meeting nang makarating siya roon. Imbes na pumunta sa auditorium kung saan gaganapin ang meeting ay nagpasya siyang dumaan sa faculty room para makita si Charles. Hindi niya alam kung naroon ito pero magbabakasakali na lamang siya.

Habang naglalakad papunta roon ay hindi niya naiwasang marinig ang usapan ng dalawang babae sa kanyang harap. They're talking about their assignments and what food they're going to buy.

Lalampasan na sana niya ang dalawa pero natigilan siya nang magbago ang usapan nila.

"Nga pala, nakita ko kanina sa canteen si Sir Charles at Miss Amie no'ng bumili ako ng pagkain. Sa tingin mo ba totoo ang tsismis na nililigawan ni Sir Charles si Miss Amie?"

Bumagal ang paglalakad ni Sofia sa narinig. Inilabas niya ang cellphone niya para magkunwaring may ibang ginagawa at pasimpleng nakinig sa dalawa.

"Hindi ko alam pero hindi naman mukhang imposible. Madalas ko rin silang makitang magkasama at sa tingin ko, dalawa lang ang ibig sabihin no'n. Pwedeng close lang talaga sila biglang magkaibigan o pwede ring nililigawan siya ni Sir Charles."

"O kaya baka may gusto si Miss Amie kay Sir Charles."

"Yeah, that's possible, too," the other girl replied. "Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto kay Sir Charles? Bukod sa gwapo, sobrang bait pa. Siya 'yong tipong masarap jowain. Kung hindi lang ako estudyante, baka nilandi ko na siya, eh."

Nagtawanan ang dalawa.

"Pero kung titingnan, mukha namang bagay si Sir Charles at Miss Amie. Mukha namang pareho silang single. Maganda rin naman si Miss Amie at mabait din. Swerte sila sa isa't isa kung sakaling sila ang magkatuluyan."

Hindi na kinaya ni Sofia ang pakikinig kaya imbes na patuloy na sumunod sa dalawa ay nag-iba na siya ng daan. Hindi na rin siya tumuloy sa faculty room sa takot na baka makita niya roon si Charles at Miss Amie.

Sa buong oras na nakikinig siya sa usapan ng dalawa ay ramdam niya ang kirot sa kanyang dibdib. The rumor may not be true but thinking about Charles being in love with someone else brought ache to Sofia's heart.

Tsismis lang iyon. Hindi iyon totoo. Ako ang gusto ni Charles, hindi si Miss Amie. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Sofia sa kanyang isip kahit na hindi siya sigurado kung siya pa nga rin ba ang gusto ni Charles o kung nagbago na ang tingin nito sa kanya.

The last time she was sure that Charles still likes her was during her birthday, when he sent her a gift and a letter. That was a month ago. Pagkatapos no'n ay wala na siyang natanggap mula sa kanya at wala na rin siyang balita rito. Bihira niya itong makitang online at kahit na ganoon ay hindi naman sila nag-uusap.

The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon