Chapter 16
Secret Admirer**
"I saw a man slipping a note inside your locker."
Nanlaki ang mga mata ni Sofia nang marinig ang sinabi ni Zane.
"What do you mean? So, you found out who my secret admirer is?" she asked.
"Yes. But I'm not really sure if he's your secret admirer or not. Wala namang ibang nagbibigay sa'yo ng notes, 'di ba?"
Umiling siya. "Wala naman. Isang tao lang ang nagbibigay sa akin ng love notes."
"Kung ganoon, sigurado na ako. Siya nga ang secret admirer mo," nakangiting sabi ni Zane. "Nasa malayo pa lang ako nang makita ko siyang nakatayo sa hallway lockers. I was planning to greet him but then I wondered why he was standing alone in the middle of the hallway while staring at a specific locker. So, I decided to hide and watch him. I saw him looking around and when he made sure that no one is watching, he slipped the note inside the locker. Pag-alis niya, tiningnan ko kung kaninong locker iyon. Nang makita ko ang pangalan mo, doon ko na agad naisip na baka siya nga ang secret admirer mo."
"Who is it? Do you know him?" she asked.
"Yes. But I don't think I should tell you who he is. I think it's much better if you're the one to find out. Isa pa, ayaw kong pangunahan siya. Malay natin? Baka may plano pala siya kung paano aamin sa'yo. Baka masira ko lang iyon kapag sinabi ko sa'yo kung sino siya."
Bumagsak ang balikat ni Sofia dahil sa sinabi nito. Gustuhin man niyang pilitin si Zane na sabihin kung sino ang secret admirer niya, alam naman niyang may punto ito. Though, it's a bit frustrating for her because she really wants to know who her secret admirer is.
Napabuntong-hininga siya.
"I really want to know who he is, but I guess you're right," she replied. Tinitigan niya ito at pinakitaan ng nagmamakaawang tingin. "Pwede mo ba akong bigyan kahit isang clue kung sino siya?"
Zane chuckled. "Okay. Hmm... you know him. Ilang beses na rin kayong nag-usap."
Napakunot-noo si Sofia. Akala niya ay may makukuha siya sa clue nito pero sa dami ng nakakausap niya sa bawat araw ay hindi niya alam kung sino sa kanila ang posibleng secret admirer niya.
"That's hard," she said. Bahagyang tumawa si Zane.
"I can't really tell you who your secret admirer is, but I can give you a small advice," Zane said. "Trust him, Sofia. I don't know him that much but I feel like he's true to his words. Hindi ko alam kung paano ko mapapatunayan sa' yo iyon dahil sa totoo lang, hindi rin ako sigurado. But I feel like he's serious about you. You just have to wait for him and let him love you quietly."
Nagkibit-balikat siya. "Wala naman akong ibang magagawa kundi ang maghintay."
"I know waiting sucks, but I also know that it'll be worth it."
Nagkwentuhan pa sila ng ilang minuto hanggang sa mapansin nilang unti-unti nang dumadami ang mga kaklase nila. Bumalik na sila sa kani-kanilang upuan para maghanda sa kanilang klase.
Doon lang napansin ni Sofia na naroon na pala si Millie. Hindi niya ito napansing dumating kanina dahil na rin sa pagkukwentuhan nila ni Zane. Nang umupo siya ay nag-angat ito ng tingin sa kanya.
"Nandito ka na pala," aniya. Tumango si Millie.
"Yeah. I saw you talking to Zane when I arrived. Mukhang seryoso kayo kaya hindi na muna ako lumapit. Anong meron?"
"Wala naman. Hindi naman ganoon ka-importante. It's about my secret admirer," she replied. Balak na sana niyang ikwento sa kaibigan ang napag-usapan nila ni Zane pero bigla namang dumating ang teacher nila. "I'll tell you later."
BINABASA MO ANG
The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)
RomanceSilent Lips Series #4 Sofia Grace Valderama