Chapter 11
Time**
Napapangiti si Sofia habang naglalakad papunta sa gate ng school kung saan magkikita-kita sila ng cheering squad. After she found out that Zane is her secret admirer, she felt excited. She started to look forward to the things he's going to do for her soon. Most of all, she's waiting for his confession.
Noong unang beses na nakatanggap siya ng love note mula sa secret admirer niya ay wala siyang pakialam kung sino man iyon. Nang paghinalaan niyang baka si Zane ang secret admirer niya ay may parte sa kanyang humiling na sana ay siya nga iyon. Pero sa kabilang banda ng isip niya ay alam niyang imposible ang iniisip niya. Ayaw niyang umasa dahil baka masaktan lang siya.
Ngayong nalaman niyang tama ang hinala niya, hindi niya mapigilang kiligin sa kaalaman na crush din siya ng crush niya. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay parang may mali. Hindi niya alam kung ano iyon pero may iba siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag. Para bang may parte sa kanya na ayaw maniwala na si Zane nga ang secret admirer niya.
But that's impossible, right? She saw him in front of her locker. Imposible para sa kanya na tumayo lang ito roon para titigan ang locker niya. Sigurado siya na may ginawa ito at wala naman siyang ibang maisip kundi ang paglalagay nito ng love note.
Napailing siya at hindi na muna inisip iyon. Hahayaan na muna niya ang sarili na maniwalang si Zane nga ang secret admirer niya. Hindi rin naman imposible iyon lalo na dahil nakita niya ito kanina.
Malapit na siya sa gate nang matanaw niya ang ilan sa members ng cheering squad kasama ang mga teachers na parte ng Blue team. Sinubukang hanapin ng mga mata niya si Zane pero mukhang wala pa ito roon. May ilang minuto pa naman bago sila umalis kaya makaaabot pa ito.
Nang makalapit sa kanila ay saka niya napansing wala pa rin doon ang dalawang kasama niya sa school paper na nagyaya sa kanya kanina. Dahil wala naman siyang kakilalang malapit sa kanya, umupo na muna siya sa waiting area.
Tahimik lang niyang pinapanood ang mga estudyante nang tumabi sa kanya si Charles. Nginitian niya ito.
"You look happy," he said as he looks at her. Medyo nailang si Sofia sa titig nito kaya umiwas siya ng tingin.
"Masaya lang po dahil marami tayong napanalunan sa team."
"Oh. I thought something good happened to you. Your smile is different than usual."
Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya nang marinig ang sinabi nito. Naalala kasi niya ang dahilan kung bakit masaya siya ngayon.
"Hmm... parang ganoon na nga rin po," sagot niya.
Napatango-tango ito. "Let me guess. Does it have something to do with your secret admirer?"
Napatingin siya kay Charles sa gulat dahil tama ang hula nito.
"How did you know, Sir?"
"So, I'm right?" he asked and smiled. She nodded. "I didn't know. Sabi ko nga, hula ko lang iyon. Anyway, that's good."
Napakunot-noo siya sa sinabi nito. Tatanungin na sana niya kung ano ang ibig nitong sabihin pero hindi na niya iyon nagawa nang lapitan ito ng ilang miyembro ng cheering squad para makipagkwentuhan. Nang dumating naman ang dalawang miyembro ng school paper ay nag-usap sila tungkol sa mga litratong nakuha nila sa buong durasyon ng Intrams.
Natigilan lamang sila nang sabihin ng isang teacher na aalis na sila. Nag-angat ng tingin si Sofia at doon lamang niya naalala si Zane. Sinubukan niyang hanapin ito sa kumpulan ng mga estudyante at agad naman niya itong nakitang kausap ang isang estudyante.
![](https://img.wattpad.com/cover/240829141-288-k20715.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)
Roman d'amourSilent Lips Series #4 Sofia Grace Valderama