Twenty-Four

1.4K 59 16
                                        

Chapter 24
Tulips

**

"Are you ready, Sofia?"

Huminga nang malalim si Sofia bago sinagot ang tanong ng kanyang bayaw na si Nicko, ang asawa ng kanyang Ate Zoey.

"I think so, Kuya," she replied. "I mean, Sir."

Tumawa ito. "You don't have to call me that."

"I have to because while I'm here, you're my boss. Isa pa, ayaw ko namang isipin ng lahat na pinapaboran mo ako dahil pamilya tayo," sagot niya. "During working hours lang naman. Pag tapos na, kuya na ulit kita."

Napailing na lamang si Nicko at hindi na nagreklamo. Alam naman ni Sofia na naiintindihan siya nito.

Lumabas na sila sa opisina nito para dalhin siya sa kung saan siya maa-assign. Starting today, she will be working as an intern in Nicko's publishing company.

Sa totoo lang, kinakabahan siya hindi lang dahil unang araw niya ngayon kundi dahil iniisip niya ang sasabihin ng mga makakasama niyang intern din. Isa sa ipinag-aalala niya ay ang sinabi niya kay Nicko kanina. Mabilis siyang nakapasok sa kompanyang iyon kaya may posibilidad na hindi nila magustuhan iyon.

Napabuntong-hininga siya. Bahala na, aniya sa sarili.

Mga ilang sandali lang ay nakarating na sila sa tamang palapag kung saan siya mananatili ng ilang buwan para sa kanyang internship. Habang papunta sa mismong opisina ay panay ang bati sa kanila ng mga nasasalubong nila. Ilang beses na rin naman siyang nakabisita roon kaya kahit papaano ay kilala na siya ng mga empleyado. Isa pa, alam din naman ng lahat na parte na ng mga Valderama ang boss nilang si Nicko.

"Good morning!" bati ni Nicko sa mga empleyado pagpasok nila sa loob ng opisina. Napalingon naman sa kanila ang lahat ng naroon. Ang iba nga ay napatayo pa. May iilan ding bumati pabalik kay Nicko pati na rin sa kanya.

Pumasok sila ni Nicko sa isang maliit na conference room. Naroon na ang ilan sa mga intern na magsisimula rin ngayong araw. A woman who looks like in her late twenties is in front. It looks like they're in the middle of discussing something when they entered the room.

"Good morning, Sir!" nakangiting bati ng babae sa harap bago bumaling sa mga intern na naroon. "Everyone, he's the current CEO of this publishing company, Mr. Nicko Monasterio."

Isa-isang bumati ang mga taong naroon.

"Good morning. I'm sorry to interrupt your orientation. I'm just here to introduce my sister-in-law," Nicko said. Bumaling ito sa kanya. "This is Sofia Valderama. She's going to work here as an intern, too."

"It's good to have you here, Ms. Valderama," nakangiting sabi ng babae sa harap. Agad namang umiling si Sofia nang marinig ang tawag nito sa kanya.

"Uh... please just call me Sofia. And please don't treat me differently. I'm going to be an intern here like everyone so you don't need to give me any special treatment."

Tumango si Nicko. "That's right. She may be my sister-in-law but while she's here, I am going to be her boss, too. You can treat her like how you treat your friends or co-interns."

Sa huli ay sumang-ayon na lamang sila. Pagkatapos masiguro ni Nicko na ayos na siya roon ay nagpaalam na rin ito. Umupo naman si Sofia sa isang bakanteng upuan at nakinig sa ipinapaliwanag ng babae sa harap. Bago sila nagpatuloy ay nagpakilala ulit ito sa kanya bilang HR ng kompanya.

After the orientation, the HR assigned them to their respective positions. Sofia is assigned to work with one of the editors. Tulad ng sinabi nila kanina ni Nicko, ipinaalam din niya na hindi dapat siya bigyan ng special treatment. Naintindihan naman iyon ng editor.

The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon