Chapter 9
Cupcakes**
Ilang araw na nagkasakit si Sofia. Mukhang bumawi ang katawan niya sa mahigit isang buwang pang-aabuso niya sa kanyang sarili. Pero aaminin niya, nang gumaling siya ay grabeng ginhawa ang naramdaman niya.
Pagdating ng Lunes ay maaga siyang nagising. May higit isang oras pa bago ang una niyang klase sa araw na iyon pero bihis na bihis na siya. She's excited to go to school after almost a week of absence.
Dumiretso siya sa hapag-kainan pagbaba niya mula sa kwarto. Naabutan niya roon ang kanyang ama na kasalukuyang nagkakape. Nasa kusina naman ang kanyang ina at mukhang mayroong bine-bake.
Matapos batiin ang kanyang mga magulang ay umupo na siya at nagsimulang kumain. Mga ilang sandali lang ay sumabay na rin ang kanyang ina sa pagkain.
"Sigurado ka bang wala ka nang sakit?" tanong nito sa kanya habang kumakain.
Tumango siya. "Okay na po ako, Mommy. Mas maayos pa nga po ako ngayon kumpara noong bago ako nagkasakit."
"Ayaw ko nang maulit ang nangyari, Sofia. Don't force yourself to go to school if you're sick," her father said.
"Yes, Daddy," she replied. Ayaw na rin naman niyang mangyari ulit ang pagkakahimatay niya sa school dahil maliban sa nakakahiya iyon ay grabeng pag-aalala ang ibinigay niya sa kanyang mga magulang.
Sa tuwing nagkakasakit siya noon ay normal na pag-aalala lang naman ang nakikita niya sa kanila dahil alam naman nilang alaga at pahinga lang ang kailangan niya. Pero nang malaman ng mga ito na nawalan siya ng malay sa school ay ipinatawag ng kanyang ama ang family doctor nila pagkauwi sa bahay. Sa huli ay nalaman nilang normal na lagnat lang iyon dala ng pagod.
Pagkatapos niyang kumain ay saglit siyang bumalik sa kwarto para kunin ang kanyang gamit. Medyo maaga pa para pumasok siya pero naisip niyang mas mabuti na iyon kaysa naman ma-late siya. Tatambay na lang muna siguro siya sa library para hindi siya mainip.
Nang masigurong wala na siyang naiwan ay bumaba na siya. Bumalik siya sa kusina para magpaalam sa mga magulang pero ang tanging naabutan niya roon ay ang kanyang ina. Kasalukuyan nitong inilalagay sa dalawang tupperware ang ni-bake nitong cupcakes.
"Papasok na po ako, Mommy. Where's Dad?" she asked.
"Nasa labas, nagpapahangin," sagot nito bago tinakpan ang isang tupperware. "Hintayin mo na ito. Magdala ka para sa'yo at sa kaibigan mo."
Napakunot-noo siya habang tinitingnan ang dalawang tupperware na pinaglagyan nito ng cupcakes. Anim ang laman ng bawat tupperware na iyon.
"Hindi po ba masyadong marami? Dalawa lang naman po kami ni Millie na kakain."
"Para sa inyo ni Millie ang isang tupperware at para sa Sir Charles mo naman iyang isa."
Nanlaki ang mga mata ni Sofia narinig. Bigla niyang naalala ang sinabi nito noong sinundo siya nito sa school.
"Please don't tell me you're serious when you told me to apply to be his girlfriend," she said.
"What are you saying? I was just kidding that time."
"Kung ganoon, bakit gusto niyong ibigay ko iyan kay Sir Charles?"
"Give this to him as a sign of gratitude for looking after you when you got sick," her mother replied before giving her the two tupperwares. "Nagbibiro lang naman ako noong sinabi kong mag-apply ka bilang girlfriend niya pero kung gusto mo namang totohanin ay hindi kita pipigilan."
"Mom!"
Tumawa lang naman ang kanyang ina pagkatapos ay pinaalis na siya nito sa kusina. Napabuntong-hininga na lang si Sofia pagkatapos ay umalis na roon.
BINABASA MO ANG
The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)
RomansaSilent Lips Series #4 Sofia Grace Valderama