One

2.2K 58 9
                                    

Chapter 1
Crush

**

"Oh, ang aga mo yatang nagising?"

Napatingin si Sofia sa kanyang likod nang marinig ang boses ng kanyang ina. Nakasunod dito ang kanyang ama na halatang bagong gising. Kasalukuyan siyang nasa dining room at nagkakape nang pumasok ang mga ito.

Maaga siyang nakatulog nang nagdaang gabi kaya maaga rin siyang nagising ngayon. Paggising niya kanina ay hindi na siya nakatulog ulit kaya naligo na siya at naghanda para sa pagpasok sa school. Pagbaba niya kanina ay ang katulong lang nila ang nakita niya kaya nagpatimpla na lang muna siya ng kape.

"Good morning, Mommy, Daddy," bati niya.

"Papasok ka na agad? Kumain ka na ba?" tanong kanyang ama habang umuupo sa upuan.

"Mamaya pa po. Hinihintay ko po kayo para may kasabay akong kumain."

Tumango ang kanyang ama bago hinigop ang kapeng katitimpla lang ng kanyang ina. Pagkatapos no'n ay pinanood niya ang dalawa na mag-usap tungkol sa trabaho.

Sofia's father, Joseff Valderama, is known as one of the richest magnates in the country. He is the current president of JV Philippines. Kilala ang pamilya nila dahil sa kanyang ama. Madalas na nga lang itong nasa bahay dahil ipinamahala na nito ang kanilang kompanya sa kanyang nakatatandang kapatid na lalaki pero paminsan-minsan ay tumutulong pa rin ito sa trabaho.

Sofia has an older brother and sister. Jasper, her brother, is the current CEO of their company. Hindi na ito nakatira sa kanila ngayon dahil bumukod na ito sa sarili nitong condo unit. They have an older half-sister named Zoey. She is their father's daughter from his first wife but they don't treat her differently. Para sa kanila, walang matatawag na half-siblings sa kanila dahil pamilya pa rin sila.

Sa ngayon ay may asawa at isang anak na si Zoey kaya hindi na rin ito nakatira sa kanila. Bumibisita na lang ito sa kanila o kung minsan ay si Sofia ang bumibisita roon.

Pagkatapos kumain ni Sofia ay nagpasya siyang pumasok na sa school. Medyo maaga pa nang makarating siya sa school kaya pumunta muna siya sa library para magbasa ng libro at magpalipas ng oras.

Masyado siyang nalibang sa pagbabasa hanggang sa hindi na niya namalayan ang oras. Nagulat siya nang pagtingin niya sa wall clock ng library ay mayroon na lamang limang minuto bago magsimula ang una niyang klase. Dali-dali na siyang tumayo at tumakbo palabas ng library.

Maaga nga akong pumasok, male-late pa rin, aniya sa kanyang isip.

Malapit na siya sa classroom nang mapansin niya ang teacher niya na malapit na rin doon. Mas binilisan pa niya ang lakad para maunahan niya ito. Mabuti na lang at hindi siya nito nakita dahil may napansin siyang kausap nito. Maliban pa roon, tingin niya ay hindi rin siya nito mauunahan dahil buntis ito at maingat sa sarili.

Hinihingal siya nang umupo sa kanyang upuan. Naroon na si Millie at busy na naman sa pagte-text.

"Late ka yata ngayon?" bungad nito habang nakatutok pa rin sa cellphone nito.

"Not really. Maaga akong pumasok pero nalibang ako sa library kaya ngayon lang ako pumasok."

Napatigil sila sa pag-uusap nang pumasok ang kanilang guro. Kasunod nito ang isang lalaki na dala ang tingin niya'y mga gamit ng kanilang guro dahil inilapag nito iyon sa mesa.

Napakunot-noo si Sofia nang mapansing pamilyar sa kanya ang lalaki. Pakiramdam niya ay nakita na niya ito pero hindi niya alam kung saan at hindi rin niya matandaan ang pangalan nito.

"Ang gwapo," dinig niyang bulong ni Millie sa kanya.

Napakurap-kurap siya nang marinig ang sinabi nito. Doon niya lang din napansin ang pagbubulungan ng kanyang mga kaklase lalo na ang mga babae. May nakita pa nga siyang halatang kilig na kilig.

The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon