Chapter 14
Song**
"Sa classroom na tayo magkita, Sofia. Dadaan pa ako sa faculty room para ipasa 'yong paper ko. May kukunin ka pa sa locker mo, 'di ba?" tanong ni Millie habang naglalakad sila papunta sa susunod nilang klase.
Katatapos lang ng lunch nila at mayroon pa silang natitirang dalawang klase sa hapong iyon.
Tumango si Sofia. "Sige. Sa classroom na tayo magkita."
Naghiwalay na sila pagkatapos no'n. Si Millie ay dumiretso sa faculty room samantalang si Sofia naman ay pumunta sa hallway lockers para kunin ang gamit na kailangan niya para sa susunod na klase. Habang papunta roon ay inisip niya kung may natitira pa ba siyang gawain na kailangang tapusin.
She's done doing her school paper activities last week. As of now, the club members are just waiting for Charles' update about the printing. Sa pagkakatanda niya ay wala na rin siyang naiwang projects na kailangang tapusin. Naipasa na rin niya lahat ng kailangan niyang ipasa.
Napagtanto niyang wala na siyang gagawin kundi ang mag-aral at maghintay kung mayroong ipagagawa ang mga teachers nila. Pero sa ngayon, alam niyang bihira na lamang magbibigay ang mga ito ng gawain dahil dalawang buwan na lang ay matatapos na ang semester.
The next semester will be a bit easy for Sofia because it will only focus on their internship. She doesn't need to go to school anymore except when needed. Babalik na lamang siya kapag may kailangang ayusin bilang graduating student o 'di kaya ay kapag ipinatawag siya sa school.
Napabuntong-hininga si Sofia. Kaunting tiis na lang at matatapos na siya sa pag-aaral. Studying is hard, but she knows that this is just the beginning. She is aware that the hardest part of life will come soon.
Napansin ni Sofia na malapit na siya sa hallway lockers kaya mas binilisan na niya ang paglalakad. Paliko na siya pero hindi niya alam na may makasasalubong siya na paliko rin papunta sa dinaraanan niya.
Nang parehas na silang paliko ay nabunggo sila sa isa't isa. Muntik nang matumba si Sofia pero mabuti na lang at nahila agad siya ng lalaki. Napasubsob siya sa dibdib nito at napayakap dahil sa gulat. Kumalat naman sa sahig ang mga dala niyang gamit.
"Ms. Valderama, are you okay?"
Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang boses ng lalaki. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mga mata ni Charles. Nanlaki naman ang mga mata niya nang mapagtantong nakayakap siya sa guro kaya agad siyang lumayo.
"O-Okay lang po ako, Sir," nauutal niyang sagot. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya dahil sa nangyari. "Pasensya na po. Hindi ko po tinitingnan ang dinaraanan ko."
"No, it's okay. Parehas naman nating hindi alam na magkakasalubong tayo."
Wala sa sariling napatango-tango siya. Ilang segundo pa siyang natulala kay Charles bago niya napagtantong nakakalat pa nga pala ang mga gamit niya sa sahig. Agad siyang umiwas ng tingin saka dali-daling pinulot ang kanyang mga gamit.
She mentally slapped herself. Why the heck did she stare at him? Bigla siyang nakaramdam ng hiya lalo na nang maisip na baka biruin na naman siya nito na may crush sa kanya. Maliban pa roon ay nayakap niya ito nang hindi sinasadya.
Ramdam niya ang pag-init ng kanyang pisngi sa nangyari. Parang nararamdaman pa nga niya ang init ng katawan nito nang yakapin niya ito. Parang gusto niyang ulitin ang nangyari at manatili na lang sa mga bisig nito.
Natigilan si Sofia sa naisip. What the hell am I thinking? This is bad. Hindi dapat ako nag-iisip nang ganito, aniya sa sarili.
Mabuti na lang at wala namang sinabi si Charles. Tinulungan lamang siya nito na pulutin ang kanyang mga gamit. Iniabot nito sa kanya ang mga iyon nang tumayo sila.
BINABASA MO ANG
The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)
RomansaSilent Lips Series #4 Sofia Grace Valderama