Chapter 6
Leader**
Sofia is in a good mood. It started during lunch when Zane came and ate with her and Millie. Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit maganda ang mood niya kundi dahil sa iniisip niyang posibilidad na baka si Zane ang secret admirer niya.
Maaaring nagkakamali siya pero sa mga oras na ito ay wala siyang pakialam. Ni hindi na sumagi sa isip niya na pwede siyang masaktan kapag nalaman niyang mali pala ang hinala niya.
Sa sobrang ganda ng mood ni Sofia ay pakanta-kanta pa siya habang tinatapos ang paper na kailangan niyang ipasa bukas. Kasalakuyan siyang nasa school paper club room kahit na wala namang meeting ang mga miyembro. Pagkatapos ng huling klase niya kanina ay dumiretso siya roon dahil siguradong walang tao at payapa niyang magagawa ang mga kailangan niyang tapusin.
Gusto sana niyang umuwi na para makapagpahinga pero sigurado siyang hindi niya matatapos ang mga kailangan niyang tapusin dahil maaakit lang siya sa kama niya. Kung tutuusin, may mga projects naman siyang matagal pa ang deadline pero gusto na niyang tapusin para hindi na iyon sumabay sa mga tungkulin niya sa Blue team pati na rin sa school paper.
"Oops!"
Napatalon si Sofia sa kanyang kinauupuan nang marinig ang isang malalim na boses. Paglingon niya sa pintuan ay nakita niya roon si Charles. May dala itong laptop at ilang papel habang nakatayo sa pintuan. Mukhang hindi nito inaasahan na may tao roon.
"Sir Charles..."
"Sorry. Akala ko walang tao," sabi nito saka ngumiti. "Pasensya na. I'll go ahead."
Aalis na sana ito pero pinigilan ito ni Sofia.
"Sir! Uh... may kailangan po kayo?" tanong nito.
Umiling ito. "Wala naman. Naghahanap lang ako ng tahimik na lugar para sana magpalipas ng oras bago ang huling klase ko mamaya. Pabalik-balik sa faculty room ang ilang estudyante dahil sa Intrams kaya pumunta ako rito. But you're here and you look busy so..."
"Um... ayos lang naman po kung gusto niyong mag-stay rito. May tinatapos lang po ako bago umuwi."
"Are you sure? I don't want to disturb you."
"It's okay, Sir. Malapit naman na po akong matapos."
Napansin ni Sofia ang saglit na pagdadalawang-isip nito bago ito napakibit-balikat. Isang upuan lang ang pagitan nila nang lumapit ito at umupo malapit sa kanya. Nang makita niya ang pagbukas nito ng laptop ay ibinaling na niya ang tingin sa sariling ginagawa.
Ilang minuto na silang tahimik nang biglang magsalita si Charles.
"You look like you're in a good mood."
Nilingon niya ito. "Paano niyo naman po nasabi, Sir?"
"Kanina ko pa kasi napapansing pangiti-ngiti ka riyan. You're also humming a song."
Nakaramdam ng hiya si Sofia nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya napansing kanina pa pala siya nito pinapanood. Hindi rin niya namalayan ang ginagawa niya.
She awkwardly smiled at him.
"Uh... sorry, Sir."
"It's okay. I'm actually glad that your mood is fine now compared to your mood this morning," he replied and smiled. "I assume something good happened to you today."
Napangiti si Sofia nang maalala na naman ang nangyari kaninang tanghali.
"Parang ganoon na nga po," sagot niya.
Nagpatuloy na sila sa kani-kanilang ginagawa pagkatapos no'n. Nag-focus na lamang si Sofia sa tinatapos dahil natatakot siyang kapag inisip niya si Zane ay baka mapangiti na naman siya nang hindi niya namamalayan. Nahihiya siyang makita na naman ni Charles na ganoon.
BINABASA MO ANG
The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)
Storie d'amoreSilent Lips Series #4 Sofia Grace Valderama