Nineteen

957 40 8
                                    

Chapter 19
Protect

**

Kabado si Sofia habang naglalakad papunta sa Dean's office. Tahimik lang siyang nakasunod sa estudyanteng tumawag sa kanya kanina na napag-alaman niyang student assistant pala nang magpakilala ito.

Ang dapat na iniisip niya sa mga oras na ito ay ang mangyayari sa oras na malaman ng mga magulang niya ang tungkol sa kanila ni Charles. Pero sa totoo lang, hindi siya masyadong nag-aalala roon dahil alam naman niyang pakikinggan naman siya ng mga magulang niya.

Imbes na isipin ang kanyang sarili ay mas naisip niya ang mangyayari kay Charles. Both of them know that the rumours aren't true. But will the Dean believe her if she say that? If not, what will happen to Charles?

Kinakabahan siya sa kung ano mang pag-uusapan nila ng Dean pero alam niyang kailangan niyang mag-ingat sa mga sasabihin niya. Ayaw niyang mapahamak si Charles pati na rin ang propesyon nito dahil lang sa isang tsismis na wala namang katotohanan.

Though to be honest, she wanted it to be true. But this isn't the right time yet. Kung ngayon pa lang ay grabe na ang usap-usapan tungkol sa kanila dahil sa isang tsismis na hindi naman totoo, paano pa kaya kapag totoo na? Mas lalo lang niyang napagtanto na mabuti nang manahimik na muna siya tungkol sa nararamdaman niya kaysa ang ipaalam iyon kay Charles. Mas lalo lang silang mahihirapang magtago kapag nangyari iyon.

Mahirap maghintay. Nakakapagod maghintay. Pero mas gugustuhin na niyang maghintay kaysa maging magulo ang lahat.

Huminga siya nang malalim at inihanda ang kanyang sarili nang makitang malapit na sila sa Dean's office. Nang nasa tapat na sila ng pinto ay nagpaalam na ang student assistant.

"Good luck," sabi nito na para bang alam nito na hindi maganda ang mangyayari.

Pagkaalis nito ay humarap siya sa pinto. Mga ilang segundo pa niyang pinakalma ang kanyang sarili bago binuksan ang pinto.

"Good afternoon... Ma'am... and uh... Sir," unti-unting humina ang kanyang boses nang makita niyang naroon din si Charles.

Both of them looked serious. Doon niya napagtantong bago siya ipinatawag ay nag-uusap na ang mga ito.

"Come in and sit, Ms. Valderama," the Dean said.

Napalunok siya at kinakabahang lumapit sa mesa ng Dean. Umupo siya sa upuang nasa harap ng mesa nito kung saan kaharap niya si Charles. Ramdam niya ang tingin sa kanya ni Charles hanggang sa tuluyan siyang makalapit.

Sumulyap siya sa guro bago humarap sa Dean.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Ms. Valderama. I know you know the reason why I summoned you here," the Dean started.

Tumango siya. "Yes, Ma'am."

"I heard a few students earlier talking about the two of you being in a relationship. Hindi ko sana paniniwalaan pero naging usap-usapan na iyon sa buong school. Ayaw kong makaabot pa ito sa labas dahil hindi lang kayo ang maaaring mapasama kundi pati na rin ang buong school."

"Like I said, Mrs. Legaspi, we're not in a relationship," Charles replied.

Napatingin si Sofia sa guro nang marinig iyon. Alam niyang totoo ang sinasabi nito pero hindi niya mapigilang maapektuhan sa sinabi nito. Ni hindi siya nito tiningnan nang sabihin nito iyon sa Dean.

Umiwas siya ng tingin at inisip na lang na sinabi nito iyon para protektahan siya. Ang mahalaga ay totoo ang nararamdaman nito para sa kanya. Hindi pa man nito nasasabi nang diretso sa kanya na gusto siya nito, sigurado naman siya roon.

"Yes, Sir Charles. Hindi sa hindi ako naniniwala sa'yo pero gusto ko ring malaman ang side ni Ms. Valderama. Maraming estudyante ang nakapansin na malapit daw kayo sa isa't isa. I'm not judging you but I just want to make sure that you're really telling the truth and that you're not making Ms. Valderama lie for you," the Dean said before turning to her. "I want you to tell me the truth, Ms. Valderama. Are you in a relationship with Sir Charles?"

The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon