Thirteen

889 37 4
                                    

Chapter 13
Feel

**

Naging busy si Sofia sa mga sumunod na araw dahil sa school paper. Pero kumpara noong mga linggo bago ang Intrams, mas kaunti ngayon ang gawain niya dahil wala nang masyadong maraming pinapagawa ang mga teachers.

Nagpagaan din sa trabaho niya ang mga club members dahil malaki ang naitutulong ng mga ito sa kanya. Hindi rin sila pinabayaan ni Charles kaya mabilis nilang natapos ang article na para sa website. Ang tinatapos na lamang nila ay ang physical copy ng school paper.

Iyon ang inaasikaso niya kaya pagkatapos ng klase niya araw-araw ay dumidiretso siya sa club room para tapusin ang school paper. Paminsan-minsan ay kasama niya roon ang ilang miyembro pero minsan ay siya lamang mag-isa.

Katatapos lang ng klase ni Sofia sa isang panibagong araw. Didiretso siya ngayon sa club room para tapusin ang natitirang gawain para sa school paper. Pagkatapos no'n ay ibibigay na niya ang nabuo nilang output kay Charles. Ang guro naman ang bahala sa final revision at ito na rin nagprisinta na siyang bahala sa pag-aasikaso sa printing.

Bago pumunta sa club room ay dumiretso muna siya sa hallway lockers para mag-iwan doon ng ilang libro at para na rin kunin ang kahon kung saan niya itinatago ang kanyang love notes. Puno na kasi iyon kaya balak niyang iuwi iyon para mailipat sa ibang lalagyan.

Inayos lang niya ang gamit niya sa locker pagkatapos ay kinuha na niya ang kahon. Sinigurado muna niya na wala na siyang naiwan saka niya isinara ang locker at umalis.

Pagdating sa club room ay nagulat siya nang makita si Charles. Mukha namang hindi ito nagulat nang makita siya dahil ngumiti lang ito. Sa tingin niya ay inaasahan na nito na pupunta siya roon.

"Hi, Sir," bati niya sa guro habang papalapit dito.

"Hello," he replied. "School paper activities?"

"Um... yes po. Kailangan niyo na po ba? Ngayon ko pa lang po sana tatapusin," aniya nang mapagtanto na baka kaya ito naroon ay para kunin ang nabuo nilang output.

Umiling ito. "Hindi pa naman. Take your time. I'll wait. Kaya lang ako nandito ay dahil nabanggit ng mga club members na madalas ka raw dito. Tutal matatapos mo na ngayon, nagpasya ako na maghintay na lang dito habang gumagawa ng lesson plan. Don't worry. I'm not pressuring you. If you couldn't finish that today, it's okay."

"Uh... okay po," sagot niya kahit na sa totoo lang ay parang bigla siyang na-pressure.

Dumiretso na lamang siya sa katabi nitong mesa para ilapag doon ang dala niyang gamit pati na rin ang kahon ng love notes. Kinuha niya ang dalang laptop sa kanyang bag pero nang ilalapag na niya iyon sa mesa ay nasagi niya ang kahon. Dahil doon ay kumalat sa sahig ang mga love notes.

Agad siyang tumayo at pinulot ang mga iyon. Hindi niya napansin na tumayo rin si Charles para tumulong. Napansin na lamang niya ito nang lumingon siya sa lalaki. Nakatayo na ito habang tinititigan ang mga napulot na love notes.

"Are these from your secret admirer?" he asked before giving the love notes to her. Tinanggap niya iyon.

"Yes, Sir."

"Are you throwing those away?"

Nagulat siya sa tanong nito kaya agad siyang umiling.

"Hindi po. Iuuwi ko lang po sa bahay," aniya. Bumalik na siya sa pagkakaupo at inayos sa kahon ang love notes. Bumalik na rin si Charles sa ginagawa nito pero bakas ang maliit na ngiti sa labi nito.

"Wow! That's nice. You really appreciate those letters, huh?" he said.

Tumango siya. "Hmm... yeah. Ngayon lang din naman po ako nakatanggap ng mga ganito. Besides, uh... it kind of makes me happy reading these letters."

The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon