Ten

959 36 3
                                    

Chapter 10
Zane

**

Simula na ng Intrams week. Sa unang araw ay nagkaroon ng opening ceremony para roon kung saan ipinaliwanag ang mga mangyayari sa buong linggo. Kahit alam na ng karamihan ay sinabi pa rin ang schedule ng bawat teams na maglalaro.

Sa buong durasyon ng Intrams ay parehas na busy sina Zane at Sofia bilang representatives. Pero kahit ganoon ay hindi naman mabigat ang mga trabaho nila. Naroon lamang sila sa bawat laban ng kanilang team bilang suporta sa mga players lalo na kapag may kailangan sila.

Sa linggong iyon ay may ilang talo na silang nakuha pero mas marami naman ang panalo nila lalo na sa basketball. Ayaw mang aminin ni Sofia pero ang totoo ay parte siya ng dahilan kung bakit nanalo ang team nila sa basketball. Marami kasi sa mga players ay may gusto sa kanya kaya insipired na inspired silang maglaro lalo na kapag naroon siya.

Pinaka-inspired sa kanila ay si Jerome na wala nang ibang ginawa kundi ang tumingin sa kanya sa tuwing nakaka-shoot ito. Minsan nga ay sobra na siyang nahihiya lalo na sa tuwing kinakantiyawan siya ng mga ka-team nila.

"Naka-3 points na naman si Jerome, oh! Iba talaga kapag inspired," dinig niyang sabi ng isang player na nasa bench.

Kasunod no'n ay nakita ni Sofia ang paglingon na naman sa kanya ni Jerome at ang pagkindat nito. Napairap siya at napaiwas na lamang ng tingin. Kung hindi lang siya kailangan doon ay kanina pa siya umalis. Masyado na siyang nahihiya sa mga tao pero hindi naman niya magawang pagsabihan si Jerome dahil baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkatalo nila. Kahit papaano naman ay gusto niyang manalo sila.

Mabuti na lang at finals na kaya iyon na ang huling araw na magtitiis si Sofia. Gusto na lang niya na matapos iyon agad.

Tulad ng inaasahan, nanalo nga ang team nila sa basketball. Nakahinga nang maluwag si Sofia dahil natapos na ang mga laro pero mukhang hindi pa roon natatapos ang pangangantiyaw sa kanya ng kanilang ka-team. Dumagdag pa roon ang mga teachers nila pati na rin si Charles.

"Is he your boyfriend, Ms. Valderama?" one of the teachers asked her.

Papunta sila ngayon sa isang bakanteng classroom para kumain bilang selebrasyon ng pagkapanalo nila sa finals kasama ang basketball team. Hindi dapat siya sasama sa selebrasyon dahil maliban sa ilang teachers ay siya lang ang babae roon pero pinilit siya ni Zane.

"No, Ma'am," she immediately replied.

"Manliligaw mo?"

"Hmm... parang ganoon na nga po," sagot niya kahit na sa totoo lang ay hindi rin niya alam. Sinabi naman sa kanya noon ni Jerome na manliligaw ito pero parang wala naman kasi itong ginagawa. Sa tuwing nagkikita sila ay puro joke lang ito o pick-up lines. Wala pa talaga itong ginagawa na masasabi niyang nanliligaw nga ito.

Hindi naman sa gusto niya talaga itong manligaw. Mas mabuti ngang huwag na lang dahil wala naman talaga itong pag-asa sa kanya.

"Mabuti na lang at naroon si Ms. Valderama kaya inspired na inspired ang mga players natin na manalo," biro ni Charles. "But kidding aside, magagaling naman ang mga players natin kaya hindi na rin nakakagulat na nanalo tayo."

Tumango si Sofia bilang pagsang-ayon. Marami kasi ang varsity ng basketball sa team nila kaya kahit ang ibang teams ay sila ang inaasahang manalo.

Pagdating sa classroom kung saan sila magce-celebrate ay naabutan nilang inaayos na ng ilang players ang mesa sa gitna kung saan nila ihahanda ang mga pagkain. Ang mga upuan naman ay inayos nila sa bawat gilid ng classroom. Hihintayin na lamang nila ang dalawa pa nilang teachers na lumabas pa ng school para bumili ng pagkain.

The Secret Admirer (Silent Lips Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon