Chapter 9

7.9K 184 1
                                    

HUMINGA muna sya nang malalim bago nag-umpisang maglakad papasok sa building kung saan ang office nang kanyang bagong boss.

Kanina lang ay parang namanhid ang katawan nya sa pagtawag nito sa kanya. Hindi na nga sya nakapagpaliwanag nang maayos dito dahil binabaan na sya agad nito nang telepono.

Wala nakong paki! Kahit tanggalin narin ako nito ngayon ay wala narin akong paki!

Gayun paman nagmamadali parin syang makaakyat sa office nito. Paglabas nya nang elevator ay kaagad nyang nakita ang reception area. "Hi, good morning. San dito ang office ni—."

Ano ba yun?! Ano nga ulit ang pangalan nang lalaking yun?!

"Are you September Sevilla?." Tanong nang babae. Sya naman ay kinilig nang marinig ang apelyido ni Vel. Sige Sep ngayon ka pa lumandi!

"Ah, a...ako nga." Nahihiyang sambit nya.

"Follow me." Nakangiting paanyaya nito sa kanya. Sya naman ay agad na inayos ang sarili at sumunod na sa babae.

Ang gara naman nang building na to. Kasing gara nang dating pinagtatrabahuan nya na pag-aari nang kapatid ni Vel.

Saglit itong kumatok sa isang pinto na hula nya ay ito na ang opisina nang bagong boss.

"Come in..." Parehas nilang rinig.

"Pasok kana, he's expecting you anyway."

"Salamat." Pagkasabi nun ay tuluyan na syang iniwan nito.

Huminga ulit sya nang malalim bago pinihit ang doorknob nang pintuan. Pagkapasok ay nakita nya ang lamesa nito na nasa may bandang kanan nang silid.

Busy ang lalaki sa mga pinipirmahan nitong mga papeles, nag-angat lang ito nang tingin nang masara na nya ang pintuan.

Tumikhim sya. "Good morning, Sir." Saka nya lang din nalaman ang buo nitong pangalan na nakasulat sa desk name plate nito.

Savier Duke Wellington.

"Good morning?." Sinipat sya nito. "You look like you're not having a good morning, September."

Nice! Memoryado nya na ang pangalan ko!

"Sorry I'm late. Nakalimutan kasi nilang sabihin sakin na dito kita dapat puntahan."

He was looking at her intently. Therefore, she had to look down. The way he stared at her makes her feel uncomfortable.

"I hope it won't happened again." Tumayo ang binata at may mga kinuha itong mga folders at papeles. "Organise this for me." Inilapag nito ang mga papeles sa center table nang receiving area nang office nito.

"Dito?." Takang tanong nya. Nakakunot ang noong tumingin naman ito sa kanya. "I mean wala ba kong magiging sariling desk?." Lakas loob nyang tanong.

Aba makapal ang mukha natin ngayon Sep ah!

"As for your desk, you will have it on Monday. For now, dito kana muna gumawa nang mga ipapagawa ko sayo."

Kaya naman wala na syang nagawa at inayos nalang ang iniutos nito sa kanya. Bumalik na ang lalaki sa sariling lamesa nito. May times na napapasulyap sya dito. Hanggang ngayon kasi ay hindi nya parin magets kung panong nakauniform ito nang pang staff, nang una nya itong makita.

"Do you need anything?." Tanong nito nang hindi sya tinatapunan nang tingin.

"Huh?."

"Kanina ka pa kasi tingin nang tingin sakin. May kailangan ka ba?." He looked at her with no emotions in his eyes.

Desirous Men 2: VEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon