HALOS mga tatlong oras din ang binyahe ni September pauwi nang Batangas. Nang araw din na yun ay umalis sya. Sinabihan nalang nya si Aling Dina na babalikan nalang nya ang ibang mga gamit nya.
Habang nasa byahe sya ay di nya maiwasang mag-alala at kung ano-anong mga katanungan ang nasa isip nya.
Kapag talaga ang Marcus na yun ang makikita ko ay talagang bibigwasan ko sya! Naisa-isip nya.
At bakit naman kailangan pa nitong magpakita sa mga magulang nya samantalang hindi nya naman ito napakilala sa kanila. Madalas kasi ito noong magdahilan sa tuwing babanggitin nya ang tungkol sa pagpapakilala nya dito sa Inay at Itay nya. Ni hindi nga nya nasabi dito ang tungkol sa Ate December nya dahil baka mas lalo itong mailang.
Ano ba kasi ang trip nang lalaking yun?
Nang marating na nya ang kanila ay napakurap-kurap sya nang makita ang magarang sasakyan na nakaparada sa harap nang bakuran nila.
Ganito na ba talaga kayaman ngayon si Marcus? Well, di ba nga at may sports car na ito ngayon? Pero ang magarang sasakyan na nasa harapan nya ngayon ay isang Hummer.
Papasok na sya sa kanilang bakuran nang makita nya ang kanyang ina na palabas naman nang kanilang bahay.
"Nay!."
Kaagad sya nitong sinalubong. "Mabuti't nandito kana Sep. Aba'y kanina pa naghihintay sayo yung boyfriend mo sa loob. Naku! Napakagwapong bata! Bakit hindi mo man lang ito sinabi samin nang Itay mo! Kung hindi pa kayo nagkaproblema." Mahabang salaysay lang ina nya.
"Ho? Teka Nay, ano hong sinabi sa inyo ni Marcus?." Pigil nya sa ina habang hinihila na sya nito papasok sa loob nang kabahayan nila.
Kumunot ang noo nito. "Marcus? Aba'y Vel daw ang pangalan nya."
Vel?
"Vel? Naku wala ho akong kilalang ganun!."
"Ay anak! Pumasok na nga lang tayo sa loob at kanina parin naghihintay ang Itay mo."
Makikita nang lalaking to! Kung sino man sya! Lagot sya sakin. Aba hindi biro ang binayahe ko nang tatlong oras. Tapos hindi ko naman pala kilala ang taong to?! Kausap ni September sa sarili nya nang papasok na sila nang Inay nya.
Una nyang nakita ang Itay nya. "Tay!." Kaagad naman itong tumayo nang makita sya.
"Anak! Mabuti at nandito kanang bata ka! Nandito si —"
Sya namang baling ni September sa lalaking nakaupo sa pang dalawahang sofa nila. Ang lalaki ay mataman lamang nakatingin sa kanya.
Saan ko nga ba nakita ang gwapong lalaking to?
Nang magkatitigan sila ay nanlaki ang mga mata ni September at bahagya syang napaatras.
"Tay —."
"September, totoo ba ang sinasabi ni Vel na ikaw daw ang bumasag nang sasakyan nya?." Seryosong tanong sa kanya nang kanyang ama. Biglang kinabahan si September, kilala nya ang ama nya. Kapag kasalanan nya at talagang hindi sya kukonsintihin nito.
Bumaling muna sya sa lalaki. Pero hindi nya mabasa ang emosyon sa mga mata nito. "Tay..."
"Tinatanong kita!."
Wala na syang nagawa, tutal ay talagang kasalanan naman nya talaga. At talagang binalikan pa sya nang lalaking to. Mamaya ka lang lalaki ka sakin!
"Anak naman, dahil lang sa selos ay nagawa mo yun? Aba'y sabi ni Vel ay hindi naman totoong may iba syang babaeng gusto dahil ikaw lang ang mahal nya."
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: VEL | Completed
Romance[𝗥-𝟭𝟴] Vel Chollo Sevilla is a rich, young and a irresponsible bachelor who was enjoying his single life to the fullest. Until he met September De Haro, the woman who broke and smashed to death the windshield of his Bugatti Chiron car. Pero imbes...