Chapter 11

7.8K 167 11
                                    

NAKABUSANGOT ang mukha ni Vel habang nagmamaneho sya pauwi. Ganun din ang dalaga sa passenger seat sa tabi nya.

Alam nyang naging hindi maganda ang pag-approach nya kay Savier, pero malay ba nya na ito na ngayon ang bagong boss ni September.

Well, nagtatampo parin sya kung bakit hindi sinabi noon nang dalaga kung saan nito balak na magtrabaho. Kung alam nya lang na mag-aapply ito sa kompanya ni Savier, di sana hindi na nya ginalingan sa paggawa nang CV nang babaeng sinisinta.

It looks like he just grilled himself with the same fire he made.

Nagkagalit pa tuloy sila ni September.

Pagkapark na pagkapark nya sa kanyang sasakyan ay hindi na sya hinintay ni September na mapagbuksan nya ito nang pintuan, nauna na itong bumaba sa kanya.

Great, tonight will a good night for him!

Nang makapasok na sila sa sala ay pumunta muna ang dalaga sa may kitchen para uminom nang malamig na tubig. He followed her.

"Why do I have this vibe that you're upset with me..." He said.

Humarap si September sa kanya. "No, ba't naman ako magagalit. Maliit na bagay lang naman yung ginawa mo kanina. Nakita mo ba ang sarili mo kanina? Mukhang gustong-gusto mo na nga syang sapakin e..."

She was sarcastic, yeah she's upset.

"I know him, okay? At ayaw kong napapalapit ka sa kanya."

Umirap ito sa kanya. "Lahat nalang e, una si Andrew, na kapatid ni Andeng. Ngayon naman si Savier, hindi ko alam kung ano ang hindi nyo pagkakaunawaan noon pero labas ako dun."

"No you're not, obviously he was trying to flirt with you. I can see his intentions very clear." Napabuntong-hininga sya. "Just, forget about working with him okay, besides hindi mo naman kailangang magtrabaho."

"Pero pinayagan mo na ko, ikaw pa nga ang gumawa nang CV ko!."

"I know, but now I changed my mind. Ayoko na, dito ka nalang sa bahay."

Sumama ang mukha ni September sa sinabi nya. "Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Dapat nga pala magsunod-sunoran ako sayo lagi..." Nagmartya na ito palabas nang kusina, dinaan lang sya nang dalaga.

"That's not what I wanted for us..." Humabol sya sa paglalakad nito. He slightly grabbed her arm to stop her.

"O talaga? Sige nga... sabihin mo nga sakin. Kasi hanggang ngayon hindi parin malinaw sakin ang lahat. Sabi ka nang sabi na gusto mo kung pakasalan, para saan? Kasi trip mo lang? Ganun ba?." Nangingilid na ang mga luha sa mga mata nito.

Gustong-gusto nyang hapitin ito at yakapin. Pero parang nanigas sya sa kanyang kinatatayuan. What she said did hit him hard. Alam nyang hindi malinaw ang sitwasyon nila sa dalaga. Pero sa side nya ay malinaw na malinaw. He wants to be with her. Always.

Tumulo na ang mga luha ni September. Iwinaksi nito ang kamay nya na nakahawak sa braso nito. "Doon na muna ko matutulog sa guest room mo..." Before he could answer, she already hurriedly went to the stairs.

Nahilamukos nya ang mga kamay sa kanyang mukha.

Great Vel! You just ruined your night with September.

He took out his phone from his pocket and called Rye.

Lumipas muna ang mga ilang ring bago nito sinagot ang tawag nya.

"What Sevilla?." He sounds annoyed.

"Saan ka? Let's meet at DSC—."

"What? No, no I can't.."

Desirous Men 2: VEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon