SA mga oras na yun ay hindi parin makapaniwala si September, na nagawa nilang gumawa nang milagro ni Vel sa loob mismo nang ospital.
Pero nag-enjoy naman sya nang sobra-sobra kaya ayos lang. Sinigurado nga lang nya na talagang nakalock ang kanilang pintuan.
Ngayon ay tinutulungan nya ang binata na ibalik ang mga benda nito sa katawan.
Kanina ay nakapagpaliwanag narin ang binata sa kanya nang tanungin nya ito kung nasaan ito nung panahon na hindi ito nakauwi sa bahay. Nalaman nyang nasunugan pala ito nang pabrika sa Naic, di sanay nadamayan nya ito noon. Hay...
Na-explain narin dito sa kanya ang mga nangyari kagabi. Hindi sya mapaniwalang nagawang pasabugin ni Vel ang shipyard ni Savier.
Hindi kaya alam ito ni Savier? Dahil parang naalala nya itong binanggit ang tungkol dito. At kung bakit may pakulong benda sa buong katawan ang binatan na nasa kanyang harapan ngayon ay alam narin nya ang dahilan.
Sira-ulo talaga!
"Why are you looking at me like that, Sweetheart?." Pukaw nito sa pag-iisip nya.
"Huh? Like what?..."
Ngumuso si Vel sa kanya at yumakap. "You're looking at me like I'm some kind of an idiot..."
Ngumisi ito.
"Idiot naman talaga." Umismid sya. "Wag mo nang uulitin yung, Vel!."
"Oo na, basta ba titigilan ka na nang lalaking yun."
"Alam mo bang halos paliparin ni Savier ang sasakyan kanina papunta rito. Alalang-alala yung tao sayo!."
Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. "Basta, nagseselos parin ako sa kanya..."
Napabuntong-hininga na lamang sya. "Basta mangako ka na magsosorry ka sa kanya.."
Kumiwalas ito sa kanya.
"Sep naman..."
Alam nyang kaibigan parin ang tingin nito kay Savier, nararamdaman nya yun. Mapride nga lang talaga ito.
"Magsosorry ka o mag-aaway tayo?..."
Vel looked at her like she's a mother that was scolding her little boy.
"You win..."
Sa sinabi ay sya naman ang naglambing at lumapit dito. "Smile ka na dyan, nakascore ka naman e..."
He chuckled. Akmang hahalikan na sya nang binata nang may kumatok at pilit na binubuksan ang pintuan.
"Vel, kanina pa kayo dyan ah?! Akala nyo ba hindi namin narinig na nilock nyo tong pinto? FYI, nandito pa kami sa labas!."
That was Clyde.
Umungot si Vel nang senyasan nya itong bumalik na nang pagkakaupo sa wheelchair nito.
Pagkabukas nya nang pintuan ay nakita nya sina Elio, Clyde at Andeng na nakangisi sa kanya.
"Ano bang ginawa nyo? Ba't naglock pa kayo nang pinto?." Elio asked.
"Wala Kuya, pinakamot ko lang kay September yung likod ko."
Napalingon sya sa likuran ni Andeng. "Asan si Savier?." Tanong nya dahil mukhang hindi na nito kasama ang binata.
"Kakaalis lang nya." Sagot sa kanya ni Andeng.
Humarap naman si Elio kay Vel. "I had to tell him the truth, Vel. You should really apologise to him for everything. He was damned worried too earlier."
Tumingin muna ang binata sa kanya bago tumayo. "Kaaalis nya lang ba?."
"Oo, kung hahabulin mo maaabutan mo pa yun—."
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: VEL | Completed
Romance[𝗥-𝟭𝟴] Vel Chollo Sevilla is a rich, young and a irresponsible bachelor who was enjoying his single life to the fullest. Until he met September De Haro, the woman who broke and smashed to death the windshield of his Bugatti Chiron car. Pero imbes...