Chapter 3

9.8K 216 5
                                    

PAPATAYIN nya nalang sana ulit ang ilaw nang gumalaw ito. Anak nang tinapa at mukhang nagising nya pa ito.

Nang tanggalin nito ang braso sa mga mata nito at dumilat iyun ay tinungo nya ang tukador. "Papalitan ko na muna ang mga punda nang unan saka kumot." Kausap nya dito nang hindi sya nakatingin.

Bumangon ang binata at umupo sa may gilid nang papag. "No need, I like the smell of it already." Namula sya sa sinabi nito.

Saglit syang lumingon dito. Nagbawi sya agad nang tingin nang makitang nakatitig ito sa kanya. "Magtapis ka nga nang kumot."

"Ayoko, mainit e."

Tumayo sya ang aktong bubuksan ang bintana nang magsalita ulit ito. "Malamok."

Pumikit muna sya at hinanda ang sarili bago hinarap ito. "Siguraduhin mo lang na bukas nang umaga e wala kana dito samin."

Nagkibit lang ito nang balikat. "Depende yun sayo."

"Anong ibig mong sabihin?." Nakakunot ang noo na tanong nya dito. Pinipilit nya ang mga mata na magfocus sa mukha nito at baka dumako na naman iyun sa matipunong mangangatawan nang binata.

Parang ang sarap ata magpayakap dito.

"Kung maaga kang magigising, maaga tayong makakaalis. Anong oras ba tayo aalis bukas?."

"Siraulo ka ba? Hindi ako sasama sayo no?!."

"At sinong may sabing hindi? Sa tingin mo nagdrive ako nang tatlong oras sa wala? No way! You are going back to Manila with me." May pinal na sabi nito.

"Ewan ko sayo. Bahala ka na nga dyan!." Akmang aalis na sya nang mahawakan nito ang braso nya. "Ano ba?."

Hindi nya alam kung papaano sya naisandal nang binata sa may likod nang pintuan. "Subukan mo lang harasin ako at talagang babayagan kita."Pananakot nya kono, sa hitsura nito ay mukhang wala namang ipekto dito ang sinabi nya.

Vel smiled. At dahil sa ginawa nitong pagngiti ay parang nanlambot ang mga tuhod nya. "Wala man lang ba akong good night kiss?." Malambing na saad nang binata.

Part ba to nagpaparusa nya sakin? Dahil kung parte ito ay tiyak na mananalo ito.

"Ayaw kitang halikan."

"Pero ako gusto kitang halikan." Bahagyang inilapit nito ang mukha sa kanya. Parang mapupugto na ang kanyang hininga. Bakit ba ganito tong lalaking to?!

"I want to kiss you Sep."

Parang syang nahihiplotismo sa mga mapupungay na mga mata nito. Hindi nya alam kung ano ang nakain nya at tumunganga lang sya dito na parang naghihintay pa nga sa halik nito!

Vel then leaned closer and capture her lips. Ang buong akala ni September ay dadampian lang sya nito nag halik pero mas pinalalim pa nito iyun. She wanted to say something and open her mouth but instead Vel took advantage of that and inserted his tongue.

Napahawak si September sa dibdib ni Vel. Damang-dama nya ang init nang katawan nito. Napadilat lang sya nang kanyang mga mata nang maramdam ang kamay nito sa kanyang pang-upo.

Kaagad nyang tinulak ang binata. "G..grabe k..ka ha! Sabi mo good night kiss lang." Nauutal sa sambit nya. Ano ka ba naman Sep?!

Ngumiti ang binata sa inasal nya. "Sorry my hands got carried away. My bad.."

"My bad ka dyan! Good night!." At nagmamadali na syang lumabas nang silid. Parang babagsak ang mga tuhod nya sa nangyari. Ngayon ay nasa silid na sya nang kanyang Ate December at hanggang ngayon ay ang lakas parin nang tibok nang puso nya.

Desirous Men 2: VEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon