Chapter 5

9.6K 228 4
                                    

BADTRIP na badtrip si Sep nang umagang yun dahil hindi sya nakaligo nang maayos. Pagkatapos kasi nang nangyaring pang-aasar sa kanya ni Vel sa banyo nito ay hindi na nyang piniling bumalik pa at maligo. Tutal ay nakapagbanlaw naman na sya nang maayos. Kaya nagbihis nalang sya at nagpasya na magluto nang agahan nila.

Ang kaso ay syempre mas maagang nagising si Manang Lupe kaya maaga na rin itong nakapagluto. "Good morning po." bati nya sa matanda nang mabungaran nya ito sa may kusina. Mabait si Manang Lupe at halos kaidaran lang din ito nang Mama nya kaya naman magaan ang loob nya sa matanda.

"Good morning din Ma'am, kumusta ang tulog nyo?." nakangiting tanong nito sa kanya. Hindi nya alam pero may halong panunukso ang tinuran nito.

Sya naman ay bahagyang namula sa tinanong nito. "Ayos naman po." Lumapit sya sa matanda. "Manang, pwede po bang Sep nalang po ang itawag nyo sakin. Wag na pong Ma'am, kasi nakakailang ho e."

Naghahain na si Manang Lupe kaya tumulong nalang sya dito. "Pwede ba naman yun Ma'am, e baka ho magalit samin yun si Sir. Baka ho kasi isipin nyang hindi namin kayo ginagalang."

Humawak sya sa balikat nito. "Wag ho kayong mag-alala Manang Lupe, ako hong bahala sa kanya."

"Pero alam mo Ma'am, ay este Sep pala. Masaya kami at sa wakas ay may inuwi nang babae tong si Sir." Nakangiting sambit nito sa kanya.

"Ngayon lang ho? E mukhang babaero nga ho yang Sir nyo..."

"Ay babaero ho talaga yan si Sir. Pero ang ibig kong sabihin ay ngayon lang sya nagseryoso."

Napakurap-kurap sya sa sinabi ni Manang Lupe. Si Vel seryoso sa kanya?

Mukhang nahalata naman nito ang pagkalito nya. "Noon kasi kabilin bilinan nang Mama nila sir Emilio at Sir Vel na hindi sila pwedeng magdala nang babae dito sa bahay, kung hindi rin lang sa simbahan ang tuloy."

Simbahan?

"Pero meron na ho ba kayong nakita o nakilalang girlfriend nya noon?." Hindi nya alam pero parang naging interesado na sya sa bagay na ito nang buhay ni Vel.

Selosa syang babae at sa mga oras na yun ay nagseselos na sya sa mga tinatanong nya kay Manang Lupe. Ako na! Ako na talaga ang masokista.

"Naku, maraming napunta dito noon. Kaya nga nababadtrip yun dati si Sir Vel. Madalas nya ngang pagtaguan ang mga yun."

So marami ngang babae ang loko!

Ewan nya ba pero nagseselos talaga sya. Kahit pa nga para syang ewan dahil hindi naman talaga malinaw sa kanya kung ano nga ang meron sa kanila ni Vel.

Magtatanong pa sana sya kay Manang Lupe nang mapansin nito ang pagpasok ni Vel sa kitchen.

"Ay tamang-tama ang dating nyo Sir, ready na ho ang almusal ninyo." Bati ni Manang Lupe sa binata.

Nang parehas na silang nasa hapag-kainan ay iniwan na sila nang matanda. Tumikhim muna sya bago nagsalita.

"Saang ospital nga pala naroon si Ate ko?."

Si Vel naman ay nilunok muna ang kinakain at nagpunas nang table napkin sa gilid nang labi nito. "Sa private hospital sya nang pinsan ko." Ngumiti ang binata sa kanya. "Don't worry about her. She's doing well and showing some good signs."

"Salamat, pwede ko ba syang madalaw?."

"Of course you can. But maybe not anytime soon..."

"Bakit?."

"That's what my cousin Marjorie said. Don't worry, I will let you know as soon as I get any more update about your sister."

"Salamat."

Desirous Men 2: VEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon