Chapter 7

8.5K 216 1
                                    

VEL was running his index finger to his lower lip. His mind is somewhere else right now. Well obviously, not on the two ladies in front of him. Kanina pa dada nang dada ang dalawa nyang sekretarya sa harapan nya pero parang hindi nya naririnig ang mga ito. His mind was occupied with just one woman, and that is September De Haro. "I can't wait to change that surname of yours, Sep.." pabulong na sambit nya.

"Sir?." Tumukhim pa si Anna para lang maagaw ang atensyon nya. "Sir?."

"What?."

Umayos si Zenna sa pagkakaupo, kasalukuyan silang nasa isang 5 stars restaurant na pag-aari ni Prince. Doon sila madalas magmeeting nang mga ito dahil talagang ayaw nyang pumunta nang opisina niya. "Ano pong masasabi ninyo sa report namin?."

Tumango-tango sya. "Good..."

Parehas na nagkatinginan ang dalawa sa reaksyon. Halatang nagulat ito sa naging sagot nya. "Sigurado ho kayong, good? E Sir nagagalit na po talaga yung iba sa mga investor nyo. Kasi naman hindi man lang daw kayo nagpapakita sa kanila. Parang easy go lucky daw kayo." Nayayamot na sambit ni Anna. Halos dalawang taon naring nagtatrabaho ito sa kanya. Noong una ay ito lang ang sekretarya nya pero dahil hindi talaga nito kaya ang lahat, he hired another one and that is Zenna.

"I don't care kung magalit sila. Ang mahalaga ginagawa natin ang trabaho natin..." Nang makita nyang parehas na umismid ang dalawa sa harapan nya ay binawi nya agad ang sinabi. "Nyo pala."

Kahit naman tadtad sa trabaho sina Anna at Zenna ay hindi naman nya ito pinapabayaan dahil parehas na kinuha nya ang dalawa nang mga sarili nitong condominium unit, kinuha nya rin nang tig-iisang kotse ang mga ito. Para kung saka-sakaling may kailangan itong puntahan ay madali lang ang mga ito sa dalawa. So mabait parin sya kung maituturing.

Tumingin sya sa kanyang relo. "Should we go?." Gusto na nya talagang umuwi at makasama si September. Panira talaga sa lovelife ang trabaho.

"Nga pala Sir, may meeting po kayo with Miss Angel sa Friday."

Napabuntong-hininga sya, sino naman yun?."

"Friend nyo daw po sya, saka may business proposal daw po sya sa inyo." Sagot ni Zenna sa tanong nya. Napaisip tuloy sya, wala naman syang maalalang Angel na nakilala nya. Friend? Hindi kaya isa ito sa mga tinataguan nya. Naalarma sya. "Cancel it."

"E Sir hindi ho pwede, saka bad move po kung ikacancel nyo yun. Anak ho yun ni Mr. Diego Suarez."

"You mean yung may-ari nang lupang gusto kong tayuan nang Golf course?."

"Yun na nga ho. Diba matagal na natin silang kinukulit. Chance nyo na to Sir."

Di sinasadyang napahilot sya sa kanyang sentido. "Hindi ba pwedeng kayo nalang ang makipagmeeting sa kanya?." Nakakainis naman tong mga babaeng to, bakit ba hindi nalang mga lalaki ang kinuha nyang sekretarya. "Ladies, you don't understand. Ayokong makipagmeet sa Angel na to." Mariin nyang sambit.

"Get's namin yun Sir, pero makulit ang isang to. Saka friend nyo nga daw po sya."

Napataas nalang nya ang dalawang kamay sa mga ito, tanda nang pagsuko. "Okay fine, kelan ako may meeting sa kanya?." Nakita nyang parang pinakalma ni Anna ang sarili bago sumagot sa tanong nya. "Sa Friday nga, Sir." Kapag nga minamalas ka nga naman, mukhang makakaistorbo pa ang Angel na to sa busy sched nya.

"Okay sige. After that cancel all my meetings for this month okay? Malilintikan talaga kayo sakin kapag kinulit nyo na naman ako sa mga bagay na tungkol dyan." Umismid lang si Zenna sa sinabi nya, si Anna naman ay inubos lang ang natitirang tubig sa baso nito.

***

NANG makapasok na sa loob si September nang W Supermarket ay napanguso sya. Matagal narin kasi syang hindi nakakapasok dito at mukhang marami nang nabago dahil medyo naiba na ang mga ayos sa loob. Mas naging moderno ang interior design nang supermarket. Well, not that she's concern about it, pero malamang ay naging mas mahal ang mga bilihin dito.

Desirous Men 2: VEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon