Prologue

15.4K 280 23
                                    

HINDI maipinta ang mukha ni September habang nakikinig sa mga pinagsasabi sa kanya ni Andeng tungkol sa boyfriend este ex-boyfriend na si Marcus. Kasalukuyan silang lulan nang isang taxi na kinuha nila para maghatid sa kanila sa Dover Street Club. Isa ito sa pinakakilalang club sa buong asya. Halos dito lang naman tumatambay ang mga nagsisikatan at naggagwapuhang bachelor nang bansa.

"At rinig ko nga ay binigyan daw nang matronang yun si Marcus nang sports car." Pagkukwento pa ni Andeng na halatang inis na inis din ito kay Marcus.

"Sports car?." Gulat na tanong nya sa kaibigan.

"Oo, lam mo yung mukhang sasakyan ni Batman." Umirap pa ito sa ere. "Ewan ko ba naman kasi sayo Sep, matalino ka naman pero pagdating talaga sa Marcus na yun e nabobobo ka!."

Napangiwi nalang sya sa sermon nito. May tama din naman kasi ito. Noon paman nang mapalapit sya kay Marcus ay pinagsabihan na sya ni Andeng at sinabing walang gagawing mabuti ang binata sa kanya. Pero binalewala nya iyun at nagpadala sa damdamin, kaya naman heto sya ngayon. Nga-nga.

Pagkalipas nang ilang sandali ay narating na nila ang club na pakay. "Sigurado ka bang nasa loob nang club na to si Marcus?." tanong nya kay Andeng nang makababa na sila nang taxi at nasa harapan na sila nang sikat na club.

"Oo, 100%. Nandyan ang balahura mong ex."

"Tara." yaya na nya dito pero saglit sya nitong pinigilan.

"Uy Sep, wag kang gagawa nang gulo ha? Mangako ka! Kilala kita, pangiti-ngiti ka lang pero alam kong nag-iisip kana kung papaano makakaganti sa lalaking yun." kilala talaga sya nito. Well, simula ata nung mga sampung taong gulang palang silang dalawa ni Andeng o Andressa ay magkaibigan na sila nito.

"Oo, kakausapin ko lang naman sya."

"Basta kausap lang ha? Hindi natin teritoryo tong lugar nato." paalala nang kaibigan.

"Oo na sabi e, ang kulit."

"Naniniguro lang."

Sa wakas ay naglakad na sila sa entrance nang magarang club. Napaismid si September. Lang'ya entrance palang nakakaintimidate na, pano pa kayo yung mga tao sa loob?Nasabi nya sa sarili.

Kaagad na sinalubong sila nang isang gwapong lalaki. Teka artista ba to o staff nang club? "Good evening ladies. May I see your membership card please." Bati nito sa kanila. Ito siguro ang host nang club.

Nagkatinginan sila ni Andeng. "M..Membership card?." napabuntong-hininga sila pareho. "Sorry wala e. Kailangan ba yun para makapasok sa loob?." Letse naman oh! Mukhang seswertehen pa ata si Marcus ngayon.

"Yup, kailangan. However kung wala naman ayos lang pero you need to pay the entrance fee. Paalala lang na isang beses nyo lang iyun magagawa. Sa susunod kasi na punta nyo dito ay dapat may membership card na kayo." Magalang na maliwanag nang binata. Sa gwapo nito ay si maiwasang matulala sila ni Andeng. Putek na yan! Hindi pa kami nakakapasok sa loob dami na agad ganap.

"Sige magbabayad nalang kami nang entrance fee. Saka malamang ito na ang una at huli naming punta dito." Ngisi nya sa lalaki. Agad naman silang giniya nito sa isang counter para makapagbayad. Saka nya lang din napansin na hindi lang pala isa ang host nang club dahil habang inaasikaso sila nang gwapong binata ngayon ay may dumating pang isang lalaki para naman batiin ang ibang papasok.

"Sosyal talaga. Ganito ata talaga ang mundong trip nang balahurang Marcus na yun." rinig nyang sambit ni Andeng na sinang-ayunan nya lang.

"Ladies, it will be two thousand five hundred pesos each. Would you like to pay by cash or card?." Parehas na nanlaki ang mga mata nila ni Andeng. "Two five ang entrance fee?!." halos sabay nilang tanong dito.

Desirous Men 2: VEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon