SAGLIT na nakalimutan ni September ang mundo sa ginawa ni Vel. Natauhan lang sya nang marinig ang hiyawan nang mga tao sa paligid. Kaagad syang nagmulat nang mga mata at mataman na tinignan si Vel. Nangungusap ang mga mata nito, sya naman ay parang nalunok na ang dila sa ginawa nitong paghalik. Peste! Bakit na pabigla-bigla nalang nanghahalik ang lalaking to?! Nagkafree show pa tuloy ang mga nakatambay sa may kanto!
"Let's go home Sep." Vel said without living his eyes oh her.
Nang tumango sya ay tumalima na ang binata para pagbuksan sya nang pinto nang sasakyan. Nakita nya pang nakatayo si Andrew, malamang ay pati ito ay nagulat sa ginawa ni Vel. Tipid lang syang ngumiti kay Andrew, at tumango lang ito sa kanya. Nang makapasok na sya nang sasakyan ay nakita nya pang saglit na tinalasan nang tingin ni Vel si Andrew at sumakay narin ito nang kotse nito.
Habang nasa byahe ay tahimik lang silang pareho. Sa lakas nang tibok nang puso ni September hindi na sya magtataka kung pati si Vel ay maririnig iyun. "Are you cold?." Saglit nitong itinabi ang sasakyan sa may gilid nang kalsada at kinuha ang jacket nito na nasa may backseat at itinakip sa katawan kanya.
"Salamat.." Akala nya ay paandarin na ulit nito ang sasakyan pero nagkamali sya.
"Are you close with that guy?." Seryosong tanong nito na ang mga mata ay nasa manibela.
"Ha?."
"That guy with the umbrella."
Humarap sya nang bahagya dito. "Si Andrew yun, kapatid ni Andeng.
"I know, but what I'm asking is that are you close with him?." Naiiritang humarap ito sa kanya. "Kulang nalang magkapalit kayo nang mukha sa sobrang lapit nyo sa isa't-isa and what's with your hands. Hindi ka ba makakalakad nang hindi nakakapit sa kanya?."
Napakurap nang mga mata nya si September. Ano bang problema nang lalakin to?
"Maputik at madulas ang daan. Saka mababasa ako kapag hindi ako dumikit sa kanya." She took a deep breath before facing him again. "Ano bang problema ha?."
"What's the problem?." Vel sarcastically asked before starting the engine of his car. "He is the problem."
"Anong ginawa nya? Ikaw nga tong..." Naramdaman nyang uminit ang pisngi nya nang maalala ang ginawa nito kanina. "Nag magandang-loob na nga si Andrew na ihatid ako." Nakangusong sambit nya.
"Don't ever mention his name again, Sep."
Gusto nya pa sanang umangal pero mas pinili nyang manahimik nalang. Tutal pagdating talaga kay Vel ay lagi naman syang talo. Ang kinaiinis nya lang ngayon ay ang naramdaman sya kanina nang sunggaban nito ang mga labi nya. Kung hindi lang may mga tao sa paligid ay hindi sya magkakalakas nang loob na kumalas dito.
Andeng was right. Pagdating talaga sa mga lahi ni Adan ay nabobobo sya. Pero iba si Vel para kay Sep. Alam nyang higit na mas malakas ang umuusbong na damdamin nya sa binata, kumpara sa mga naramdaman nya noon. At dahil doon ay natatakot sya, natatakot syang umasa at masaktan na naman. Lalo na kay Vel na malayong-malayo ang antas sa kanya.
Halos kalahating oras din silang nasa byahe. Wala parin silang imikan, kahit nang makapasok na sila nang bahay nito. Kaagad na sinalubong sila ni Mang Lupe nang tuwalya nang parehas silang parang basang sisiw. "Thanks Manang." rinig nyang sambit nito sa matanda.
"Maliligo na muna ko." Paalam nya kay Vel, saglit pa syang sumulyap dito para makita ang hitsura nang mukha nito. Iniisip nya kasi na galit ito sa kanya dahil lang sa pagpapapayong nya kay Andrew kanina.
Vel met her eyes. Parang may gusto itong sabihin na hindi masabi, kaya naman naglakad na sya maakyat sa kwarto nito. Nang makapasok na sya sa loob ay kumuha muna sya nang mga damit na susuotin bago pumunta nang banyo. Pero hindi pa sya nakakapasok sa banyo nang may biglang humawak sa braso nya.
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: VEL | Completed
Romance[𝗥-𝟭𝟴] Vel Chollo Sevilla is a rich, young and a irresponsible bachelor who was enjoying his single life to the fullest. Until he met September De Haro, the woman who broke and smashed to death the windshield of his Bugatti Chiron car. Pero imbes...