Chapter 13

7.8K 149 0
                                    

"SEP, where are you?..." Rinig nyang sambit nito sa kabilang linya.

Hearing his voice, makes her heart skip a beat.

"Ahm..nasa Makati..."

"Magtatagal ka pa ba dyan?." He asked her again.

"Baka..."

"Okay..." He said.

"Okay, bye." Pagkasabi nun ay pinatay na nya ang tawag.

Inayos ni Andeng ang buhok nya. "Anong sabi?."

"Wala, nagtatanong lang kung nasaan ako at kung magtatagal pa ba ko dito..."

"Ano na then?..." Andeng asked.

Napabuntong-hininga naman sya. Ano na nga ba? Tumawag nga ito at narinig nya ang boses pero parang wala naman itong ganang kausapin sya.

Baka pinagod ni Katya!

"Andeng..." Ngumoso sya sa kaibigan.

"O?..."

"Ahm, pwede bang dun muna ko matulog sa inyo ngayon?."

Ngumiti ito. "Oo naman, kala ko naman kung anong sasabihin mo. Sya, tara na... saka parehas pa tayong may pasok bukas."

Pagkarinig nun ay halos magkasabay silang tumayo at halos sabay ding napaupo ulit. Malamang, nakalimutan ata nila pareho na nakainom sila. Red Horse paman din ang ininom nila.

"Kaloka! Magtaxi na tayo pauwi, tiyak pahirapan nang sumakay ngayon e."

"Okay..."

Palabas na sila nang bar nang may makilala syang sasakyan sa parking lot. Hindi lang yun, may namataan din syang lalaking nakaupo sa may simento. Ang likod ay nakasandal sa may pinto nang passenger seat nang sasakyan.

With his eyes closed, it looks like he was sleeping.

She gulped when she realised who it was.

"Hala..." it was Andeng. Pati ito ay natigilan din sa paglalakad.

Narinig marahil nito si Andeng kaya naalimpungatan ang binata. Nagmulat ito nang mga mata at nagkasalubong ang tingin nila. Dahan-dahan itong tumayo at pinagpag ang pwetan nito.

"Sep..."

"Anong ginagawa mo dito?." She asked. Hindi parin sya makapaniwala na nasa harapan na nya ito. Gustong-gusto nyang sugurin ito nang yakap, pero hindi nya magawa.

"I was waiting for you, sinong kasama mo?."Bahagya itong sumilip sa kanyang likuran. Napansin nyang parang nakahinga ito nang maluwag pagkakita kay Andeng.

"Hi." Bati ni Vel kay Andeng.

"Hi!."

"I'm Vel.." Sabay abot nang kamay dito kay Andeng na agad naman inabot nang kaibigan.

"Andeng."

Napatingin sya sa kaibigan. Kanina lang niyayaya sya nitong sugurin nila ang binata, pero heto ito ngayon at ngiting-ngiti kay Vel.

Nabasa naman ni Andeng ang pagtataka sa mga mata nya, kaya pinandilatan lang sya nito. Parang sinasabi pa nito na, wag na syang mag-inarte.

"Mukhang may pag-uusapan kayo. Mauna nako."

"Hop in, ihahatid ka na namin." It was Vel.

"Naku wag na. Magtataxi nalang ako. Sige na, pagpasensyahan mo na tong kaibigan ko, medyo nakainom e." Ngumisi si Andeng kay Vel.

At bago pa nila ito mapigilan ay iniwan na sila nang kaibigan.

Ngayon ay silang dalawa nalang ni Vel.

Desirous Men 2: VEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon