NAKATITIG parin si September sa kanyang cellphone at naghihintay nang reply kay Vel.
Alam nyang nabasa nang binata ang mensahe nya dahil nakita nyang naseen na nito iyun.
"Walang reply?." Nakangusong naisatinig nya. "Ako na nga itong unang nagsabi nang mahal kita, seen lang?."
Para tuloy syang nakaramdam nang inis sa binata.
Nakasimangot na inayos na nya ang kanyang hihigaan nang makarinig sya nang katok mula kay Savier.
"Sep, wake up! September!."
Kaagad syang bumangon. "Wait lang naman!." She shouted back. Kung makakatok kasi ito ay parang wala nang bukas.
"Problema mo?." Bungad nya dito pagkabukas na pagkabukas nya nang pinto.
Ito naman ay parang natulala sa kanya. He look so worried and shocked.
"Hoy Sav? Bakit namumutla ka?." Bigla tuloy syang nakaramdam nang pag-aalala dito.
"S-something happened..."
Biglang lumakas ang pagtibok nang kanyang puso. Kinabahan sya na hindi nya maintindihan.
"Bakit?." She asked.
"It's about... V-vel..."
Diyos ko!
"Ha? Bakit? Anong nangyari kay Vel?." Pagkabanggit palang sa pangalan nito ay di inaasahang nag-uunahan nang magbagsakan ang mga luha nya. Bakit ba nagiging masyadong syang emosyonal nitong mga nakaraang araw.
"Sav! Anong nangyari sa kanya?!."
"T-there was a explosion in my s-shipyard..." Saglit itong napatitig sa kanya. "...a-and Vel was there..."
Natutop nya ang bibig nang dalawa nyang kamay. "H-hindi! A-asan sya?!."
"Nasa ospital..."
"Puntahan na natin sya, Sav! Please!!."
Kaagad nyang kinuha ang kanyang jacket, wala syang pakialam na nakapantulog syang pupunta nang ospital, nakapajama naman sya. Ang mahalaga lang sa isip nya ngayon ay ang lalaking minamahal.
Si Savier naman ay halos paliparin narin ang sasakyan. Kung sa ibang sitwasyon nga lang siguro ay baka kanina nya pa ito sinaway.
Kinuha nya ang cellphone sa kanyang bulsa. Tinawagan nya si Andeng. Sinabi nya ang nangyari kay Vel at kung saan silang ospital pupunta. She really need her bestfriend right now. Natatakot sya sa maaring mangyari kay Vel.
Ilang sandali lang ay narating na nila ang Saint Emmanuel Hospital. Hindi na nya hinintay si Savier, nagmamadali na syang lumapit sa reception nang ospital.
"Miss, san ang kwarto ni Vel Chollo Sevilla?." She asked.
Sasagot na sana ang babaeng staff nang may nagsalita sa kanyang tagiliran.
"Sep?..." Lumingon sya dito. She recognised the guy. It was Gael.
"Come, andito kami." Yaya nito sa kanya. Napansin nya ring nakasunod na rin si Savier sa kanila.
Habang naglalakad ay gusto na nyang tanungin si Gael, nang makalapit na sila sa kinaroroonan nang iba pang kaibigan ni Vel ay saka nya lang napansin ang hitsura nang mga ito.
May mga maliliit na mga galos ang mga ito sa braso, at may mga parang itim na powder sa mga mukha nito.
Napatayo si Rye pagkakita sa kanya.
"Asan si Vel?." Bungad nya dito.
"Don't worry, he's o—." Saglit itong napatingin sa kanyang likuran, kay Savier.
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: VEL | Completed
Romance[𝗥-𝟭𝟴] Vel Chollo Sevilla is a rich, young and a irresponsible bachelor who was enjoying his single life to the fullest. Until he met September De Haro, the woman who broke and smashed to death the windshield of his Bugatti Chiron car. Pero imbes...