Chapter 4

9.4K 206 4
                                    

KASALUKUYANG nakatambay si September sa may hardin nang mansyon. Nang makalabas sya kanina sa kwarto ni Vel ay naisipan nyang libutin nalang ang buong bahay nito. Hanggang ngayon ay hindi parin sya makapaniwala na dito na sya mamamalagi.

Para kasing sa isang iglap ay nagbago ang lahat sa kanya. Pero kahit ganun paman ay ayaw nyang umasa sa kahit ano. Mahirap na dahil baka mahulog pa ang loob nya sa binata. Lalo na't malandi ito.

"Do you like our house?." napapitlag sya nang marinig ang baritonong boses na iyun ni Vel. Kaagad nyang binigyan nang distansya ang sarili sa binata, na ikinangiti naman nito.

"Maganda ang bahay mo, malaki."

"So nagustuhan mo nga?."

"Hindi naman mahalaga kung gusto ko o hindi. Andito nako di ba?." Mataray na sagot nya sa tanong nito. Hindi nya parin kasi gets kung ano ang trip nang lalaking to. Sabi nito ay gusto syang pakasalan para makabayad sya sa mga utang nya. Ang kaso ay parang hindi naman ganun ang nangyayari dahil maganda naman ang pakikitungo nito sa kanya. Alagang-alaga pa nga sya nito.

May gusto kaya sakin ang mokong na to?

Bumuntong-hininga ito. "Anyways, dinner is ready." iniabot nito ang kamay nya. "Let's go?."

Hindi nya alam kung bakit para syang bata na basta nalang iniabot din ang kamay nya dito. Naramdaman nya pang bahagya nitong pinisil iyun habang magkahawak kamay silang papasok sa loob nang mansyon.

Medyo gutom narin si Sep pero parang hindi sya makakakain nang maayos sa oras na yun. Napakagara nang dining area nang bahay ni Vel. Nakakailang pa lalo ang malaking chandelier na nasa itaas nito. Tatlong putahe nang ulam ang niluto ni Manang Lupe sa kanila.

Napatingin sya sa binata nang lagyan sya nang kanin at ulam sa kanyang plato. Baliktad ata, dapat kasi ay sya ang gumagawa nito iyun sa binata. Dahil nga diba dapat ay pinagsisilbihan nya ito?

"Salamat.." nasambit nya.

"Eat up, kailangan mo yan para mamaya."

Naputol ang pagsubo nya sana sa kutsara sa kanyang bibig nang marinig ang sinabi nito. "Anong meron mamaya?."

"Remember? You are going to give me a massage." Vel grinned.

Bakit ba paulit-ulit ang lalaking to? Bigyan ko kaya ito nang upper-cut mamaya?

"Oo na, mamasahiin na kita mamaya." umismid sya sa hangin. "Baka hindi ka pa makatulog e."

"Hmm...I can't wait then." at kumindat pa ang mokong sa kanya.

Pagkatapos nilang maghapunan ay nagprisinta syang maghugas nang pinagkainan nila. Kahit pa nga nakailang beses na pinigilan sya ni Manang Lupe ay sya parin ang nanalo sa huli. Hindi kasi talaga sya sanay na hindi kumikilos at ayaw nya ring isipin nang mga kasambahay ni Vel na porke pinakilala sya nitong fiancee ay aasta na syang senorita. Parehas silang sanay sa gawaing bahay nang kanyang Ate December.

Kumusta na kaya si Ate? Hindi nya magawang hindi mag-alala dito habang naghuhugas. Last kasi na dalaw nya dito ay nung nakaraang buwan pa. Mamaya ay itatanong nya kay Vel kung saang ospital nailipat nito ang kanyang kapatid.

Pagkatapos maghugas ay umakyat na sya sa silid ni Vel. Nawala kasi sa isip nyang ayusin ang mga dala nyang damit sa maleta. Kung bakit ba kasi sa kwarto pa sya nito matutulog? Sa laki nang bahay nito malamang ay marami pa naman itong bakanteng silid.

Naabutan nya ang binata na nasa harapan nang laptop nito. Kaagad nyang hinanap ang dalawang malate na dala nila kanina.

"Looking for something?."

Desirous Men 2: VEL | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon