NGAYON ay tahimik silang anim na naka-upo sa may sala. Pagkatapos nang nangyari kanina sa may kusina ay parang gusto nang hilingin ni September sa lupa na ilubog na lamang sya nito sa sobrang kahihiyan.
Bakit ba kasi ang ewan nya at nikayap nya pa ang lalaking yun? Malay ba naman kasi nya na nasa bahay nito ang mga kaibigan ni Vel. Dobleng kahihiyan pa dahil andun din ang kapatid ni Vel na si Elio, na dati nyang boss. Kahit pa nga hindi sila pormal na nagkakila nito noon, ay nakakahiya parin isipin na ngayon ay nasa bahay na sya ni Vel nakatira.
"She's the woman I was telling you guys about. She's the woman I wan't to get married next year." Matalim ang mga matang nakatingin si Vel kay Gael. Kanina lang din ay nakilala nya at nalaman ang mga pangalan nang mga kaibigan ni Vel. Pare-parehas na mga gwapo ang mga ito, at halos magkakasing-edad lang.
Sya ngayon ay nakatungo lang dahil hindi sya makatingin nang maayos sa mga ito. Hindi parin talaga sya makapaniwala na nagawa nyang yakapin at amoy-amoyin ang likod nang nagngangalang Gael. Hay...
"Teka lang, so nagbabalak kayong magpakasal next year?." It was Clyde. "E para samin yun ni Nori e." Nakangusong sambit nang binatang pinsan pala ni Vel. Napakagwapo nito at mukhang may lahi itong Amerikano.
"Ang kapal a! Bakit sigurado na ba si Nori sayo?." Sabat ni Elio, si Gael naman ay ngumisi lang. Halatang naaaliw ito sa lahat.
Bumuntong-hininga si Vel. "Bahala ka Clyde sa sarili mong ambisyon. Basta..." Hinawakan ni Vel ang kamay niya at pinagsiklop iyun. "..ikakasal kami next year."
"Teka, ano namang masama kung magpakasal ka din sa taon na yun Clyde?."
"Syempre, sukob yun. Mamaya ay malasin pa ang relasyon namin ni Nori."
Nakita nyang binato ni Elio nang throw pillow si Clyde. "Gago, sa magkapatid lang yun!."
"Ah basta!." Maktol nito na parang bata. Gustong matawa ni September sa mga nakikita nya, ang gagwapo kasi nang mga ito pero parang mga isip bata.
Nasa ganung pag-iisip sya nang maramdaman nya ang nguso nang binata sa kanyang pisngi. "Bakit nga pala pinatayan mo ko nang tawag kanina?.." Paglalambing nito sa kanya. At sino ba namang makakasagot nang maayos dito kung gahibla lang ang lapit nang mukha nito sa kanya.
Malandi ka talaga Vel! Kahit sa mismong harapan nang mga kaibigan mo! Sa background ay naririnig nya parin sina Elio at Clyde na nagtatalo. Si Gael naman ay tawa lang nang tawa sa mga ito.
"Enough!."
Pare-pareho silang lima na napatingin sa lalaking nagsalita. Kung hindi sya nagkakamali ay Rye ang pangalan nito. Gwapo ito, at tulad ni Vel ay tisoy na tisoy din ang binata. Maamo ang mukha nito pero laging nakakunot ang noo. Kung hindi sya nagkakamali, ito yung lalaking kasama noon ni Vel nang una silang magkita.
Rye stood up. "I don't fucking care if you guys all want to get married next year or tomorrow! But please can we eat now? Kanina pako gutom na gutom!." Alam nyang seryoso ang binata sa pinaglalaban nito pero gusto nyang matawa sa hitsura nito. Kaya naman pala ito kanina pa tahimik ay dahil nagugutom na si pogi.
Tumayo narin si Gael. "Okay, I will prepare our dinner para makakain na yung nalilipasan nang gutom dito." Binigyan lang ito nang matalim na tingin ni Rye.
Sina Elio at Clyde naman ay tumayo narin para tumulong kina Gael. Kaya naiwan silang dalawa ni Vel sa sala.
"Natakot ka ba sa mga kaibigan ko? Maloloko ang mga yun pero mga harmless naman."
Natawa sya sa sinabi nito. "Gusto ko nga ang mga kaibigan mo. Mukhang masasaya silang kasama."
Ngumuso si Vel at yumakap sa kanya. "No please, don't be too fond of them. Sakin lang dapat ang atensyon mo." Biglang sumama ang mukha nito nang may maalala. "I can't believe you gave Gael a back hug." Kaagad nya itong hinarap.
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: VEL | Completed
Romance[𝗥-𝟭𝟴] Vel Chollo Sevilla is a rich, young and a irresponsible bachelor who was enjoying his single life to the fullest. Until he met September De Haro, the woman who broke and smashed to death the windshield of his Bugatti Chiron car. Pero imbes...