Chapter 11:
HALOS mag-dadalawang buwan na rin ang nakakalipas magmula ng magkrus ang aming landas ni Gil. May nawala, may dumating, at syempre may mga nabago sa rin sa buhay ko na hindi ko inaasahan na mangyayari.
Pagkatapos ng pananakit sakin ng mga taong akala ko, minahal ako ng tunay, sa huli ay unti unti ko na ring naibabaon sa limot ang lahat ng hinanakit ko para sakanila kahit papano. Pero, di pa gaanong masyadong humihilom ang sugat ng kahapon dahil may mga araw na bigla ko nalang talaga maiisip ang pangyayaring yon at mapapaluha nalang ako bigla.
Inaamin ko, sa maikling panahon na ito na kasama ko pa si Gil ay, unti unti ko ng nakakalimutan si Jake at tila sa paglimot kong ito sakanya ay ang siyang pagbukas naman ng puso ko para kay Gil.
Alam kong masyado pang maaga para mahulog sa katulad ni Gil pero may parte sakin na hindi ko maiwasang mahulog sakanya kahit pa pigilan ko ang sarili ko. Oo na, madali akong ma-attach sa taong kaka-kilala ko palang pero pinipilit kong wag muna ngayon hangga't wala pang tatlong buwan o ang sinasabi nilang three month rule.
Ang three month rule ay, ang siyang moving on days and months mo para makalimot sa taong nakipaghiwalay o naghost sayo bago ka pumasok muli sa isang relasyon.
Ngunit para naman sakin, ang three month rule ay sadyang ginawa lang para taong kayang magmove on ng ganon kabilis at kayang magmahal na muli.
Hindi ko naman sinasabing dapat ay sundin ang three month rule, depende parin kasi sa tao kung susundin niya ang three month rule o ie-extend pa niya ang araw at buwan para sa tuluyang paghilom ng sugat sa puso. Minsan kasi, kapag sobrang nasaktan ka, di mo na maiisip pa kung hanggang kailan ang pagmo-move on mo. Ang iba kasi, umaabot ng ilang buwan o mga taon bago tuluyang makapaglet go at makahanap ng taong mamahalin muli nila.
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo ha." Biglang pagbasag ni Gil sa katahimikan naming dalawa rito sa kotse niya.
"Iniisip ko lang kasi magda-dalawang buwan na pala ako sayo next week." Nakatingin lang sa labas ng bintana na tugon ko sakanya.
"Magda-dalawang buwan na ba? I don't know that, either."
"Baka makalimutan mo, we have a deal, magta-trabaho lang ako sayo for three months kapalit ng pagtira ko sayo, at dahil may binibigay ka namang sahod sakin iniipon ko mga yon para after ng tatlong buwan na deal ay hindi na ako mukhang kawawa at para may maibigay ako sa pamilya ko."
"So, babalik ka pa sa pamilya mo after ka nilang ipagtabuyan at abandonahin?" Bigla niyang paghinto ng sasakyan sa gilid at saka tumingin sakin. "Are you serious about your decision?"
"Gil.. Alam kong hindi tama na bumalik pa ako sakanila pero kasi, pamilya ko sila. Ako ang dapat sisihin dahil kasalanan ko naman, dahil sa maling desisyon ko noon kung kaya't ganon ang nangyari." Seryoso kong tingin sakanya at saka nagpakawala ng malaking buntong hininga.
"Okay, Lirah. I understand. But please, please don't leave me. Okay lang na bumalik ka sakanila pero sana kahit sakin ka parin magtrabaho." Bigla naman niyang paghawak sa kaliwa kong kamay.
"Hindi ko pa alam sa ngayon, Gil. Basta ang alam ko lang sa ngayon ay, I wanna stay with you." Pagpatong ko sa kanan kong kamay sa kamay niya na nakapatong sa kaliwang kamay ko.
Ilang minuto rin kaming tahimik na dalawa sa ganong posisyon habang nagtitigan hanggang sa unti unting lumalapit sakin ang kanyang mala-anghel niyang mukha at parang nahehele ako ng kanyang tingin dahil dito, unti unti kong ipinikit ang aking mga mata at sa pagkakataong yon ay dumampi ang kanyang malambot dona labi na nirespondehan ko naman.
Sa pagkakataong ito, I've already gave myself to him again, all over again and again.
May kung anong magnet siya sa kanyang katawan na parang nahahatak niya ako sakanya na ngayon ay hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Steamy Nights With A Stranger
RomanceDISCLAIMER: THIS STORY IS A R-18+ NAKIPAG-HIWALAY si Lirah sa kanyang boyfriend na si Jake dahil sa hindi na niya ito kaya pang makasama dahil sa pa-ulit ulit nitong pananakit at panloloko sakanya. Sa limang taon nilang pagsasama bilang mag-live in...