XXI

132 4 0
                                    

After One Month..

PAGKATAPOS ng lahat ng nangyari noong nakaraang mga buwan ay unti unti ko ng kinakalimutan ang lahat.

Napagdisisyonan rin naming dalawa ni Gil na ituloy ang pakikipagdate hanggang sa sagutin ko siya upang mas lalo naming makilala ang isa't isa.

Siya nga pala, nagkapag-usap na rin kami ulit ni Jake. Pinag-usapan namin ang nakaraan nila ni Gil at ipinaliwanag na hindi na siya babalikan at mahal nito dahil magkaka-anak na kami at ako ang mahal niya. Alam kong masakit pero wala eh, deserve niya yon dahil sa pangloloko niya sakin.

Sa totoo lang naman talaga ay joke lang ang sinabi ko sakanyang magkaka-anak kami dahil sa lagi nalang kasi siyang pumupunta samin ng palihim kung kaya't naglakas loob na akong kausapin siya para layuan niya na kami.

"Lirah, bakit lagi mo nalang dinidiligan yang mga halaman ko eh, hindi naman namumulaklak."  Bigla niyang tanong na ngayon ay papalapit sakin.

"Aba, syempre dapat lang na diligan ko tong mga to para di mamatay. Nagtataka lang talaga ako kung bakit itong mga rosas na ito ay hindi namumulaklak kahit naman may buhay na buhay ang tangkay." Pagsandal ko ng ulo ko sa kanyang kaliwang braso.

"Lirah, kahit na hindi pa bumubulaklak ang mga yan—ikaw." Pag-akbay niya saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Ikaw, ang siyang rosas na siyang bukod tangi saking paningin." Bulong niya saking tenga at hinawakan ngayon ang magkabilang pisngi at sa pagpikit ng aking mga mata na sa pag-aakala kong hahalikan niya ako sa labi ay siyang paghalik niya pala sa aking noo.

***

"Lirah.. Lirah.. Anak? Lirah.." Pagbanggit niya pangalan ko na sa palagay ko ay kilala ako. "Lirah, anak. Henry, tawagin mo yung nurse sabihin mo gising na ang ate mo." Dugtong pa nito kung kaya't dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Nasa hospital ako? Bakit?

"B-bakit po tayo nandito sa hospital at ano pong ginagawa natin rito? Ano pong nangyari? Asan po yung lalakeng kasama ko? Magkayakap lang kami. Asaan siya?" Sunod sunod kong tanong sakanya at lingon sa pinto.

"Anak, wala kang kasamang lalake. Wala kang kayakap na lalake na sinasabi mo dahil matagal ka ng nakahiga rito sa higaan mo." Sambit ni mama na may takot sa kanyang mga mata.

"Hindi, ma. May kasama talaga ako, magkayakap pa nga kami. Hinalikan pa niya ako sa noo." Pagmamatigas kong sambit sakanya.

"Anak, wala kang kayakap na lalake. Nanaginip ka lang. Ang totoo niyan, nabunggo ka ng sasakyan at yung sasakyan naman na yun ay bumangga sa poste ng pilit ka niyang iwasan dahil sa bigla ka nalang daw tumawid at hinabol ang isang lalake." Pagpapaliwanag ni mama sakin ng may luhang lumabas sa kanyang mga mata.

So, ibig sabihin ang lahat ng nagyari samin ng taong nakilala ko at minahal ko ay isang panaginip lang.

"Hindi! Hindi yan totoo! Kasama ko siya at mahal ko siya. Asan si Gil?! Asan siya, ilabas niyo na si Gil!" Pagwawala ko at eksakto rin ang pagpasok ng nurse at doktor paraan para may iturok sakin ang nurse kung kaya't napatigil ako at kumalma habang si mama ay napa-iyak nalang ng tuluyan.

Kung isang panaginip lang pala ang lahat ng iyon, bakit? Bakit kailangan ko pang maramdaman na totoo ang lahat?

Kung sana hindi nalang pala ako nagising para makasama ko na siya ng habang buhay. Kung sana pala ay hindi ako yumakap sakanya at hinayaan na gawin ang paghalik sa noo ko edi sana, magkasama pa rin kami.

Kung sana naging totoo nalang ang lahat ng samin. Ang sakit sakit lang isipin na ang lahat ng nangyari ay isang panaginip na at di na mababalikan pa kahit pilitin.

***

Pagkatapos dalawang araw magmula ng magising ako ay kaagad rin kaming pinalabas ng doktor at ang mga babayarin sa hospital naman ay sinagot ng kaibigan ko na si Tory.

Hindi na talaga maalis sa isip ko ang mga panaginip na kasama si Gil. Ilang beses rin na pault ulit kong sinasabi sakanila na hindi ko gawa gawa si Gil na hindi siya sa isang tao lang sa panaginip ko dahil totoo ang lahat ng nangyari.

Ngunit sa huli, tumigil na rin ako dahil sa paulit ulit nilang paalala sakin na hindi nga totoo si Gil at walang Gil na nagpunta sa hospital para kamustahin ako.
Kung sana, totoo nalang siya para hindi na ako nahihirapan ng ganito ngayon.

"Lirah, I'm sorry ngayon lang ako." Biglang pagdating ng kaibigan ko na si Tory.

"Okay lang, kakarating-rating ko lang din naman. So ano, may bakante ba sa trabaho mo?" Panimula ko kaagad ng makaupo siya.

"Meron, pero part time lang. Kasi yung isa kong kasama, part time lang lang din ang trabaho niya bale pang-umaga tapos hanggang lunch lang siya. Kung gusto mo ikaw sa lunch hanggang hapon kasi yun lang ang bakante na pwede kang magtrabaho dahil sa wala siya."
"Okay lang. Atleast kahit papaano, matutulungan ko na ulit si Mama at ang kapatid ko." Pilit ngiti kong saad sakanya.

Pagkatapos kasi ng nangyari sakin, pinatawad na rin ako ni Mama dahil sa kinausap siya ni Tory na kung pwede pabalikin niya na ako saamin, tanggapin niya muli ako kahit yon nalang daw ang ibayad sa pagtulong ni Tory.

"So, okay ka na? Tara magshopping tayo." Pagtayo ni Tory at hinawakaan agad ako sa kamay.

"Teka, wala akong pera pang-shopping." Tugon ko sakanya bago ako tuluyang tumayo.

"Ano kaba, okay lang. Ako na ang may sagot. Basta wag mo lang iisipin ang lalaking yon. Magmove on ka na." Paghatak niya sakin kung kaya't napatayo na rin ako.

Sa paglabas namin ng pinto at sa di sinasadyang pangyayari ay may nabangga ako paraan para matapon ang kinakain niyang chichirya sa sahig at kumalat ito.

"What the heck? putang-ina! Tumingin ka nga sa binabangga mo!" Sigaw niya ng malagpasan namin siya.

"Hoy! Wala kang karapatan na sigaw sigawan ako dahil hindi mo ako pinapakain!" Sambit ko at pagtanggal ko ng kamay ko mula sa paghawak ni Tory sa kamay ko.

"Wow. Ikaw na nga tong nakabangga ikaw pa tong galit!" Sigaw niya sakin kung kaya't bumuntong hininga muna ako at saka siya hinarap.

At sa pagharap ko ay laking gulat ko ng siya ang lalakeng kausap ko.

"G-gil?"

ITUTULOY..

Steamy Nights With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon