Chapter 13:
KASALUKUYANG nasa event party parin kami ng kompanya dahil may nakita lang naman si Gil na kakilala niya na kinaiinisan ko dahil sa pakikipag-usap niya sakin na pagkapilosopo.
"Shaun, ikaw ba yan?" Biglang paglapit ni Gil sakanya at tumayo rin ito at niyakap.
"Oy! Musta na, 3G. Aba, successful ka na nga talaga." Ngiting ngiti ng aso este ng Shaun ang pangalan.
Tang-ina. Magkakilala pala ang dalawang to. What a coincidence.
"Teka, girlfriend mo ba tong babae?" Pagtuturo niya ng aso este ng nakakainis na si Shaun sakin.
Eh ano naman kung girlfriend niya ako? Selos ka?
"No, she's just my assistant at kasama sa bahay." Pagngiti naman ni Gil sakin na sulyap.
"Ow... Seryoso ka ba na nakatira ang isang katulad niya na isang dyosa? Hay, buti ka pa may naninirahan sayong katulad niya." Ngiting ngiti naman na sambit sakin ng Shaun at ni-ngisian lang siya ko lang siya.
Wow. Dyosa ang tawag sakin, samantalang kanina halos patayin niya na ako sa tingin at pag-ngisi ngisi sakin.
"Ano ka ba, Shaun. I didn't know na darating ka ngayon sa party, kung sana sinabihan mo ako edi hinanapan kita." Natatawang saad naman sakanya ni Gil habang nakangisi lang akong tumingin sa taong si Shaun.Akala mo talaga maayos kausap eh, yon pala isang putang-ina.
"Nabalitaan ko lang din naman kasi sa kapatid ko, kung kaya't pumunta ako."
"Ah.. Okay, sige alis muna kami. Enjoy the party, pre." Pagpapa-alam ni Gil sakanya at saka bigla akong hinawakan sa kamay.
"Sino ba yon?" Pagtatanong ko kaagad sakanya ng makalayo kami ng konti sa taong yon.
"One of my friend. Pero ang isang yon, babaero. Kaya kung makikita mo man siya ay lumayo layo ka na dahil kaya ka niyang bola-bolahin hanggang sa yayain ka niya." Pagpatuloy lang namin sa paglalakad hanggang makapunta sa isang mesa sa gilid na mukhang ini-reserve niya para saming dalawa.
Dahil sa pangyayaring yon, hindi na tuloy ako nakakain. Buti nalang talaga dumating tong dark angel na to para isalba ako sa pagkagutom na hindi natuloy kanina.
"Ikaw ba ang nagpahanda ng mga to?" Pagtatanong ko sakanya ng hilain niya ang upuan at paupuin ako rito.
"Yep. Tatanungin sana kita sa kung anong gusto mo kaso, bigla kang umalis at di na kita nakita. Bakit bigla ka nalang umalis ng hindi mo manlang sinasabi sakin?" Pagseseryoso niyang tingin sakin pagkaupo naman niya.
"Paano naman ako makakapag-paalam sayo eh, nasa stage ka at ayoko rin naman kasing magpapansin sayo para lang magpaalam pa." Pag-iiwas tingin ko sakanya.Tang-ina. Wag ka ngang tumingin sakin ng ganyan, Gil. Matutunaw na ako sayo.
"Oh." Pagtatango niya ng kanyang ulo. "Okay, pero anong ginagawa mo sa table na yon at kasama siya? Don't tell me, ipinagpapalit mo na ako." Bigla naman akong napatitig sakanya dahil sa kanyang binanggit.
Ipagpapalit? Kaya ko bang ipagpalit ka sa taong yon na wala manlang sense kausap. Tss.
"Hindi ah. Ano kasi, kumuha ako ng pagkain kung kaya't nilapitan ko siya para tanungin kung may ibang nakaupo doon sa bakanteng upuan at dahil yon nalang din ang nakita kong mesa na malapit sakin at upuan na siya lang naman ang nandoon na wala manlang kasama. Sorry, kung umalis ako kasi bigla akong nagutom." Pagpapaliwanag ko sakanya kung kaya't tumango na lamang siya at tahimik na itinuloy ang pagkain niya.
Paano ko naman magagawang ipagpalit ka kung unti unti na akong nahuhulog sayo.
***
Pagkatapos namin kumain ay nagusap pa kami ng kung ano ano ni Gil hanggang sa napagpasyahan ko ngayon na sumali kami sa mga sumasayaw dahil sa buong buhay ko, ngayon lang ulit ako makakasayaw ng ganito sa maraming tao.
BINABASA MO ANG
Steamy Nights With A Stranger
RomanceDISCLAIMER: THIS STORY IS A R-18+ NAKIPAG-HIWALAY si Lirah sa kanyang boyfriend na si Jake dahil sa hindi na niya ito kaya pang makasama dahil sa pa-ulit ulit nitong pananakit at panloloko sakanya. Sa limang taon nilang pagsasama bilang mag-live in...