XVII

104 3 0
                                    

Chapter 17:
NAKATULALA lang ako ngayon rito sa kitchen at iniisip ang mga nangyari kapon na hindi ko alam kung tama ba na umamin rin ako kay Gil sa nararamdaman ko lalo na at, naalala kong aalis pala ako sakanya pagkatapos nitong buwan at iilang araw nalang din ang natitira magmula ngayon.

Gustuhin ko man sanang bawiin ang pinagsasabi ko sakanya, hindi ko magawa lalo na at nakikita kong masaya siya na mahal ko rin siya.

Kung bakit ba kasi bigla ko nalang sinabi sakanya yon.

"Anong iniisip mo? Ako ba?" Bigla niyang pagsulpot at saka umupo sa katabi kong stool.

"Hindi." Pagharap ko sakanya at tinignan siya ng masama.

"Anong tingin naman yan? Ow. Heto ba ang gusto mo?" Pag-pout niya ng kanyang labi sakin habang ipinikit pa niya ang kanyang mga mata.

"Tss. Magtoothbrush ka muna." Pagngisi ko sakanya at tinalikuran siya.

"Please, let me kiss you once. I'm getting weak, Lirah." Pagyakap niya naman sakin mula sa likuran at ipinatong ang kanyang ulo saking kanang balikat.

"Nako ha, nagiging hobby mo na sakin ang paghalik pag-umaga ng hindi nagto-toothbrush."

"Ngayon lang naman ulit eh." Pagyakap pa niya sakin ng medyo maghigpit. "I promise you this will be the last."

"The last?"

"Yes. I mean, this would be the last time I will kiss you without taking a toothbrush. I promise to you that, before I kiss you, my breathe was fresh." Bulong niya sa kanang tenga ko. "So, can I kiss you now?" Pagbitaw niya mula sa pagkakayakap sakin at iniharap ako sakanya.

"Fine. But, a quick kiss only. Not that--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng binigla na naman niya akong halikan. "Ano ba yan, nagsasalita palang ako."

"You're so annoying and talkative, thats why my lips wants to stop you from talking." Titig niya saking mga mata na sambit.

"So, annoying pala ako ha. Bahala ka na nga diyan. Kumain ka na, tutal nakuha mo na ang gusto mo sakin." Sambit ko sakanya at akmang magwo-walkout pero nahawakan niya ako sa braso.

"Don't leave me. Nilalambing ka lang naman eh." Pagyakap naman niya sakin bigla. "Samahan mo naman akong kumain."

"Tapos na akong kumain, matanda ka na, hindi ka na kinakailangang samahan pa." Pag-irap ko sakanya ng tingin at pilit na inaalis ang kanyang kamay sa baywang ko.

"Sorry na, please." Paghapit pa niya lalo sa baywang ko.

"A-ano ba. Oo na, sasamahan na kita."

At sa huli wala na rin akong nagawa kundi ang samahan siya sa pagkain. Paanong hindi naman siya mahuhuli, ayaw niyang bumangon mula sa pagkakahiga namin. Puro nalang kasi siya, 5 minutes pa.

"San mo gusto pumunta?" Pagtatanong niya sakin pagkabitaw niya.

"Dito lang sa bahay, maglilinis." Wala gana kong sambit sakanya at bumalik nalang muli sa pagkakaupo.

"Hindi ka ba nagsasawang maglinis at mamalagi dito sa bahay, bukod sa office?" Pagsulyap sulyap niya sakin na sige lang sa pagsubo ng pagkain.

"Ewan. Hindi naman, siguro. Basta." Walang gana ko paring sambit sakanya habang pinapanood lang siya sa pagnguya.

Hay. Para tuloy akong nanonood ng tutorial kung paano kumain habang pinapanood lang siya.

"Ow. Teka lang." Biglang pagtayo naman niya at saka nagmadaling pumunta sa kwarto.

Grabe pala kung tumakbo siya, ang tambok ng kanyang pwetan niya kaysa sakin. Kung bakit ba kasi ang swerte niyang nilalang at may matambok pa siyang pwetan, nakakaingit tuloy dahil sa flat ang akin.

Steamy Nights With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon