(A/N: PLEASE DO CHECK THE SONG I USED TO THIS CHAPTER SO THAT YOU CAN FEEL THEIR "MAKING LOVE SCENES")
"ANONG ginagawa natin rito?" Tanong ko sakanya dahil nasa tapat lang naman kami ng bar na kung saan ito pala ang kanina pa niya hindi sinasabi sakin at puro pagmamadali siya sakin.
Ngayon lang ata ulit ako papasok sa bar, the last time ata noong 1st year college pa ako.
Paano, nasama lang ako sa mga barkada ko na sa kalaunan ay gabi gabi na ako gumigimik at nakikipaglandian sa mga di ko kilalang lalake.
"We are not in here to stare that fucking sign board for the rest of our time here outside so, let's go inside." Saad niya at nauna ng pumasok sa loob at sumunod nalang ako.
Tang-ina ha, tumigil lang naman saglit andami dami na naman niyang sinasabi.
"Woii! Geremy, you're here. Buti naman at inagahan mong dumating?" Biglang salubong sakanya ng isang lalake at inakbayan siya.
Shet. Bakit ang gwapo ng lalaking yon. Sino kaya siya?
"Hi! Mr. Cutie. Newbie here? Want some drink?" Biglang sulpot naman ng isang babae sa harap ko at inalok pa ako ng inumin.
"No, thanks. Okay lang ako." Pagngisi ko sakanya at saka umalis sa harap niya.
Tang-ina. Tinawag pa akong Mr. Cutie kahit na nakikita naman niyang isa rin akong babae. Nakakainis! Never na talaga akong magsusuot ng panglalake. Last na to.
"Bwisit na babae, nawala na tuloy siya. Nakakainis talaga, iniwan pa ako." Pagsisilip silip ko at hanap sa lintek na si Gil.
"Looking for someone?" Isang boses naman ng lalake ang biglang nagsalita sa likod ko kaya napalingon ako sakanya kaya lang natisod naman ako sa sarili kong mga paa paraan para saluhin niya ako. "Ow. Be careful." Maikli niyang saad at saka niya ako inalalayang makatayo.
"Thanks. Kilala mo ba si Geremy Gio Gabrielle Sandoval o 3G, basta yun." Walang paligoy ligoy kong saad sakanya.
"Ah, si Gil. I saw him with our friend also pero di ko na alam kung saan na sila rito sa bar. Bakit mo nga pala siya hinahanap?" Bulong nalang niya dahil biglang lumakas ang sounds rito sa loob ng bar.
"Wala naman. Friend lang kami. Niyaya niya kasi ako rito na samahan siya pero iniwan naman ako." Bulong ko nalang din sakanya.
"Ah, ganon ba? Let's go outside, masyadong maingay rito." Pagyayaya niya at tuluyan na lang nga kaming lumabas ng bar.
"Are you lesbian? I mean, you were a friend of Gil that's why, you wear his clothes?" Wala ring paligoy ligoy niyang tanong.
Nako naman, isinumpa ba ako ng lalaking yon kaya akala na talaga nila sakin isang tomboy?
"Hindi. I'm not a lesbian, babae ako. Ipinasuot niya lang sakin to dahil---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla namang may sumulpot na isang lalake at kinausap siya.
Bakit di nalang kasi isang bagsak nalang na datingan hindi yung may biglang sumusulpot. Nakakahiya naman kasi.
"Travis. Yow brother, naunahan ka ngayon ni Gil." Rinig kong pag-uusap nila.
Nakakahiya mang makinig sa usapan, wala naman akong magagawa dahil kahit pumasok pa ako sa loob at hanapin ang taong nagdala sakin hindi ko parin mahahanap dahil sa lawak nitong bar. Kung sana, nagpa-iwan nalang ako sa bahay niya mas okay pa.
"Sino naman tong kasama mo? Bagong kaibigan mo? Teka, diba damit at short pants yan ni Gil? Don't tell me, tropa kayo?" Tanong ng lalaking di ko kilala na biglang sumulpot.
BINABASA MO ANG
Steamy Nights With A Stranger
RomanceDISCLAIMER: THIS STORY IS A R-18+ NAKIPAG-HIWALAY si Lirah sa kanyang boyfriend na si Jake dahil sa hindi na niya ito kaya pang makasama dahil sa pa-ulit ulit nitong pananakit at panloloko sakanya. Sa limang taon nilang pagsasama bilang mag-live in...