XVIII

95 2 0
                                    

Chapter 18:
TILA hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayong araw, na parang may nararamdaman akong kakaiba pero hindi ko alam kung ano nga ba ito.

Kung sabagay, baka pagod lang ito dahil sa dami ng trabaho rito sa opisina at dagdag mo pa ang pag-uutos sakin kung saan saan at kung kani-kaninong tao ang dapat kong harapin.

"Girl, ilang araw na kitang nakikita rito ha pero hindi pa kita kilala." Tanong sakin ng babaeng lumapit sakin rito sa restroom.

"Ano.. bago lang kasi ako rito, pero hindi naman ako regular." Pagngiti ko naman sakanya sa salamin.

"Hindi regular? You mean, trainee ka dito? For what? Para kanino?"

"Actually, nagta-trabaho ako kay Mr. Geremy Gio Gabrielle "Gil" Sandoval as his personal need."

"Personal need? Kailangan? Hindi ko maintindihan." Pagtitig naman niya sakin pagkatapos niyang maglagay ng lipstick niya.

"I mean, yung mga kailangan niya na iuutos sakin. Ganon." Pagharap ko sakanya.

"Ow.. Seryoso? Not his secretary?" Pagsulyap naman niya sakin at may kinalkal sa bag.

"Ewan. Parang ganon din siguro, may mga ilang paper works din naman siyang ipinapa-asikaso sakin minsan, pero mostly taga bigay o kuha ng mga report."

"Hmm.. Okay." Pagspray niya naman ng pabago sa kanyang katawan.

Takte. Grabe naman magpabango nitong si ate para kang mawawalan ng malay sa tindi ng amoy ng kanyang pabango. Oo mabango pero ang sakit naman sa ilong.

"I'm Jenmy and nice to meet you." Pakikipag-shake hands niya sakin.

"Nice to meet you din, I'm Lirah." Pagabot ko ng kamay ko at saka inalis rin.

"Hmm.. What a nice name, Lirah. Sounds like Ella or Sheila. Ow, balik na ako sa works ko baka mapagalitan ako eh. Bye." Pagpapa-alam niya sakin at saka na siya lumabas ng pinto.

Ano daw? Sounds like, Ella or Sheila ang pangalan ko? Psh. Di ba niya alam na ang lalayo ng tono ng mga binanggit niya sa pangalan ko. Napapaisip tuloy ako, kung alibi niya lang yon para iwan niya ako rito sa restroom.

***

"Packed up your things now. Aalis na tayo." Biglang sambit ni Gil ng makabalik ako pagkabigay ko ng mga papeles na ipina-distribute niya.

"Ha? Eh, anong oras palang naman. Maaga pa." Saad ko pagkasara ko ng pinto.

"I know. So you should hurry now to packed up your things, kasi may pupuntahan tayo." Pagliligpit niya sa mga gamit niya.

"Saan naman tayo pupunta? Wag mong sabihin sa birthday na naman? Ikaw nalang ang pumunta." Tugon ko at saka binuhat ang mga papeles na nakatambak sa upuan at inilapat sa mesa niya.

"No." Pag-exhale niya. "Since hindi tayo natuloy sa lakad natin kahapon dahil sa nangyari na yon, we're going to have a dinner date."

Tumango tango nalang ako ng marinig ang mga kataga niyang yon dahil, kahit naman pilitin kong magsalita wala ring lumalabas para sabihin sakanya.

Feeling ko kasi, parang kasalanan ko ang nangyari kahapon. Hindi naman mangyayari ang bagay na yon kung umayaw na ako sa letseng lalaking yon noong hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

Nagpapasalamat rin ako dahil pagkatapos ng pangyayaring yon ay walang masamang nangyari na gulo at buti nalang talaga mahaba ang pasensya niya gaya ng kanyang alaga.

"You're so quiet. It makes me feel uncomfortable." Bigla niyang pagbasag ng katahimikan rito sa kotse. "Is there any problem?"

"Wala naman. I feel excited na nga dahil finally, finally tukoy na tong date natin." Sambit ko sakanya ng may ngiti sa aking mga labi.

Steamy Nights With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon