NAGISING ako ng marinig ko ang malakas na pagsisigaw ni Gil sa baba kung kaya't nagmadali akong bumaba kahit pa iniinda ko ngayon ang sakit ng ulo ko dahil sa pag-inom ko ng alak kagabi sa bar."Sorry. Sorry, nahuli na naman ako ng gising." Paghingi ko ng paumanhin habang nakayuko sakanya pagkababang pagkababa ko ng hagdan.
"It's okay. Pinuyat naman kasi kita kagabi, di mo na kinakailangang maghingi sakin ng tawad." Sagot niya kung kaya't napa-angat ako ng ulo.
Shet. Ang sakit talaga ng ulo ko. Naglasing lasing pa kasi ako. Nakakainis. Nakakahiya sakanya dahil late na naman akong nagising.
"Ano bang problema at nag-sisigaw ka?" Tanong ko sakanya at saka umupo sa stool rito sa kitchen niya.
"Wala naman. Na-excite lang ako dahil nagawa ko ng maayos ang pagpriprito ng itlog." Pagsulyap niya sakin at saka ibinaling ulit niya ang tingin sa pagluluto. "Inumin mo nga pala yang nasa baso na may takip, pang pawala ng hang-over mo." Dagdag niya kung kaya't sinunod ko naman yung sinabi niya.
"Ano bang nangyari ba kagabi? Bakit mo ako pinuyat? Wala naman akong maalala na may nangyari na ginawa ko." Sambit ko sakanya saka ininom ang inaalok niyang inumin pang pawala ng hang-over.
"Seryoso? Wala kang naalala sa nangyari kagabi? Fvck. Wait a minute." Natataranta niyang saad kung kaya't napatayo ako at nilapitan siya.
"Wow. Hanep, nasunog mo pa ang hotdog seryoso? Hindi naman kita ginulo ha. Dapat kasi, mahina lang ang apoy hindi malakas."
"So? Do you think I don't know what I'm doing? Psh. Syempre nagprito ako ng itlog tapos isda kung kaya't nakalimutan kong pahinaan ang apoy kaya napabayaan ko at nasunog ang hotdog." Saad niya at inilapag na sa mesa ang mga pagkain na niluto niya kasama ang mga hotdog na nasunog. "Pero yung hotdog ko naman hindi sunog." Sarkastikado niyang saad paraan para masamid naman ako sa pag-inom ng tubig.
Wow ha, sinusubukan ba ako ng taong to o sinasadya niya talagang sabihin ang bagay na yan.
"Ehem! Ehem! Seryoso nga, ano bang nangyari kagabi? May ginawa na naman ba akong mali? Ang naalala ko lang ay uminom ako ng uminom sa counter area ng bar ng alak tapos di ko na matandaan pa ang ibang nangyari pwera lang sa naka-uwi na tayo tapos--" Di ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil bigla kong naalala ang sumunod na nangyari. Tang-ina naman.
"Oh, bakit ka tumigil sa pagsasalita?" Tanong niya habang pa-inom siya ng kape niya.
"Fvck!?" Isang maikling pagmumura ang nabigkas ko nalamang dahil sa hindi ko na naman alam ang gagawin ko at sasabihin sakanya pagkatapos kong maalala ang nangyari kagabi.
May nangyari na nga ata saming dalawa. Potek na buhay nga naman.
"Actually, you really love it what happened last night. I was surprised. I thought, you gonna push me what I did to you but it's not what I am thinking about. You've pull me, then I responded to your request." Dire-diretyo niyang pagsasalaysay habang nakatulala lang ako sakanyang mga sinabi.
"Tang-ina. Tang-inang yan, I didn't do that. I didn't request anything from you last night!" Wala sa sarili kong sumbat sakanya.
"Ow.. really? Fine. Let's go to my room, let's rewind and watch the recorded video on cctv for you to know." Sambit niya at saka tumayo sa kinauupuan niya pero tumutol ako.
"Wag na! Hindi na kailangan, kasalanan ko naman diba?" Pikit mata kong saad sakanya at napabuntong hininga nalang.
Lirah naman kasi! Nakaka-tang ina ang ginawa mo. Nakakainis!
"Kumain ka na nga lang, kalimutan mo na ang nangyari dahil kinalimutan ko na rin yon." Pagbalik niya sa pagkakaupo at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos ng pangyayaring yon, tahimik nalang kaming kumain na dalawa habang di parin talaga maalis sa isip ko ang mga nangyari kagabi na di ko lubusang maalala na nangyari ang lahat ng sinasabi niya na nagenjoy ako sa gusto niya.
BINABASA MO ANG
Steamy Nights With A Stranger
RomanceDISCLAIMER: THIS STORY IS A R-18+ NAKIPAG-HIWALAY si Lirah sa kanyang boyfriend na si Jake dahil sa hindi na niya ito kaya pang makasama dahil sa pa-ulit ulit nitong pananakit at panloloko sakanya. Sa limang taon nilang pagsasama bilang mag-live in...